MILA: Mga bata! Wala ba kayong balak na magkaanak agad? Ang tagal na panahon na rin na walang bata dito sa bahay.
Mapapalunok si Yanni. Mapapalingon muna ito sa ngingiti-ngiting asawa bago sumagot.
YANNI: A...e....tsaka na po muna siguro.
MILA: Sabagay, di naman dapat minamadali lahat. Lahat ng bagay may oras. Malay natin baka bukas makalawa, meron na, di ba?
Pilit lang na mangingiti ang bagong maybahay dahil sa sinabi ng matanda. After a while, darating ang inutusan ni Mila na may dalang isang plangganitang maligamgam na tubig at bimpo.
GINO: Nay, ako na po.
MILA: Sigurado ka?
GINO: Siguradong sigurado po.
MILA: O...e...sige kung ganun. (lalapit kay Yanni at gagagapin ang kamay nito) Yanni, anak, pag may kailangan ka, wag na wag kang mahihiyang magsabi sa amin ha? Ituring mo kaming mga bago mong kapamilya.
YANNI: Opo. Maraming salamat po, Nay.
MILA: Maiwan ko muna kayo dito ha. Tutulong lang ako sa paghahanda ng tanghalian natin.
YANNI: Sige po. Salamat po ulit.
Pagkaalis ng matanda, agad na kukunin ni Gino ang bimpo.
YANNI: Ako na.
GINO: No, ako na.
YANNI: Ako na sabi. Amin na.
GINO: Wag na. Pahihirapan mo pa'ng sarili mo e. Pag nilublob mo ba tong bimpo diyan sa mainit na tubig, kaya mo bang pigain?
YANNI: Hindi, pero kaya ko siyang ihampas at isampal sayo para mawala yong extra tubig.
GINO: Patawa ka. As if naman kaya mo.
YANNI: Gusto mo i-try natin?
GINO: Sige ba. Basta pag bumawi ako, walang sisihan. (smirks)
YANNI: Tss!
GINO: Sige na kasi. Lumalamig na yong tubig e.
YANNI: Oo na, oo na. Ayusin mong paggawa mo dahil kung hindi kukutusan talaga kita.
GINO: Opo, kamahalan.
Mangingiti lang si Gino at magsisimula ng lapatan ng maligamgam na basang bimpo ang mga pasa ng asawa.
GINO: If you want anything, sabihin mo lang, okay?
Hindi sasagot si Yanni. Masamang tingin lang ang ipupukol nito sa asawa.
GINO: Ano na naman?
YANNI: Anong mga pictures yon?
GINO: Pictures?
YANNI: Yong sinabi ni Nay Mila.
GINO: Wala. Wala yon.
YANNI: At bakit kailangan sa cellphone mo pa ilagay?
GINO: Wala, gusto ko lang. Tsaka gusto kasing makita nila Darren yong sa kasal natin.
YANNI: At bakit kasama pati nung sa party dito? Di ba nandito din naman siya nun?

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!