YANNI: Gino! (manlalaki ang mga mata nitong mapapahawak sa mga braso ng asawa at pilit na itutulak ito) Gino, no! Stop! (lilipat ang hawak nito sa ulo ng asawa) Gino!
Mapapatigil si Gino sa ginagawa at mapapatitig ulit sa asawa, tila may pakiusap at pagmamakaawa sa mga mata nito.
YANNI: (mapapalunok) I'm...I'm sorry. Di pa ko...di pa ko handa.
GINO: (takes a deep breath) Yeah...I'm...I'm sorry, too... (aayos ito ng higa at tahimik lang na tititig sa kisame)
YANNI: Gino... (gets up and sits on the bed)
GINO: (with a thin smile, lilingunin nito ang asawa) I understand.
Hindi makakasagot si Yanni. Mapapatungo na lang ito.
GINO: Come here. (beckons her to lie down beside him)
Tahimik na tatalima naman ang asawa.
GINO: You don't have to be sorry. (sabay yakap sa asawa) I understand, really. And I'm willing to wait.
Hindi makakasagot si Yanni. Hahayaan lang nito ang asawang nakayakap sa kanya.
GINO: Actually, ako dapat ang humingi ng sorry for being so aggressive and out of control.
YANNI: Pero...yong...yong tungkol dun sa sinabi mo kay mama kanina.
GINO: What about?
YANNI: Yong tungkol sa...tungkol sa pagkakaroon ng baby...
GINO: Bakit?
YANNI: Seryoso ka ba dun?
GINO: Oo naman. Di ba noon ko pa nasabi sayo yon.
Hindi ulit makakasagot si Yanni. Mapapalunok lang ito.
GINO: I know what you're thinking. I know how you feel and I fully understand. Ang bilis ng mga pangyayari and I know na this is far from what you have expected. But I don't blame you...so no pressure. At isa pa, we're still young pa naman e. We have enough time para pagplanuhan lahat.
YANNI: Hindi naman sa di ko to in-expect. It's just that—
GINO: I said no pressure. Don't strain yourself from those thoughts. Whatever is destined to happen will happen...at the right time. I just need to tame and control myself a little more.
YANNI: Kaya pa ba?
GINO: Ang alin?
YANNI: Kaya mo pa bang mag-antay?
GINO: Kasasabi ko lang di ba? Ganyan kita kamahal. Basta, just make sure na handang-handa ka na pagdating ng araw na yon. Kasi, pagdating sa performance, ako yong tipong all out.
YANNI: Baliw! (sabay hampas sa asawa) Magseryoso ka nga.
GINO: Bakit? Seryoso naman ako a. Kaya kong magtiis, kaya kong mag-antay, pero siyempre habang tumatagal, yong expectation ko sa—
YANNI: Eeee...tumigil ka na nga! (she can feel heat climbs up through her face) Matulog na tayo.
GINO: (bahagyang matatawa) I love you.
YANNI: Good night.
GINO: I said I love you.
YANNI: (pang-asar ang ngiti) I said good night.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!