75 - Wishes

8.7K 58 10
                                    

DR. DIANA: Well, meron tayong tinatawag na vasectomy, tubal ligation, IUDs, hormonal pills, injection. (isa-isa niya itong ipapaliwanang kay Yanni) Meron ding tinatawag na safe sex like the use of barriers like condoms. But I'm telling you, there are certain risks na kailangan niyong i-consider while going on the process especially sa health niyong mag-asawa.

YANNI: Ganun po ba?

DR. DIANA: Kaya nga, sabi ko nga kanina, it'd be better if you bring with you your hubby para dalawa kayong ma-educate about it. And then, pwede niyong pag-usapan to after. Ano bang method ang gusto niyo? Kung okay ba yon or convenient ba yon para sa inyo.

Biglang malulungkot si Yanni sa narinig nito.

DR. DIANA: O, may problem ba?

YANNI: Okay. Doc, I wanna be honest with you. And I hope na whatever I'm gonna tell you will just be between the two of us.

DR. DIANA: You can count on me. That's part of my job description.

YANNI: The truth is...hindi alam ng asawa ko na pumunta ako dito.

DR. DIANA: But you said you've talked about this before.

YANNI: Napag-uusapan namin ang tungkol sa pagpaplano pero hindi kasama dun ang pagco-control. Ayaw niya kaming mag-control. Gusto na niya kasing magka-baby na kami agad...at...at ako lang ang may ayaw. Pero sa ngayon lang muna. Hindi pa talaga ako ready.

DR. DIANA: Why don't you tell him then? Be open to him kung anuman yang nararamdaman mo. I'm sure naman he'll understand.

YANNI: Hindi po kasi ganun kadali doc. Baka po kasi iba yong maging dating sa kanya pag sinabi ko. But I don't mean to put this in secrecy for long. Kailangan lang talaga. Madami pa po kasi akong dapat na i-consider.

DR. DIANA: Naiintindihan kita. Yong sinabi ko is just a suggestion. Pero nasa inyo pa ring dalawa ang pagpapasya. And lalo na sayo, kailangan pag-isipan mo tong mabuti.

YANNI: So, doc, ano po sa tingin niyo ang best option sa mga nabanggit niyong methods?

DR. DIANA: Are you sure about this, Yanni?

YANNI: Bakit po?

DR. DIANA: Hindi naman sa gusto kong mangialam no. Kaso iba kasi yong kaso mo sa majority ng mga pasyente ko who asked for the same thing. Unlike them, you're a committed woman, which means, you also have to consider your man. Baka pagmulan pa ito ng di niyo pagkakaintindihan.

YANNI: Alam ko po. Pero hindi naman po niya malalaman e.

DR. DIANA: Yanni, gusto kong pag-isipan mo muna to ng maigi. I'll give you some time to think about it first. As much as possible, ponder over it. And if you're already certain, if you're already decided, you can come back here. At kung anuman yong magiging huling pasya mo, irerespeto natin yan. If you really wanna undergo a method, sige lang. Pero may mga papers akong ibibigay sayo na kailangan mong pirmahan. It's a part of the hospital's SOPs.

YANNI: Okay po. Sige po, doc. Marami pong salamat.

DR. DIANA: Walang anuman. Have a nice day, Mrs. Saravia.

Pagdating ni Yanni sa inuupahan nilang unit, halos mapasigaw ito nang sa pagbukas niya ng pinto ay bigla na lang may humila sa kanya mula sa likuran ng pinto sabay hapit sa kanyang beywang and without any word seals her lips with a kiss.

YANNI: Saravia! (salubong ang kilay nitong sabi sa nakangising asawa)

GINO: Na-surprise ba baby ko?

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon