GINO: (sneers) Wala naman.
YANNI: (grabs him by the collar of his shirt) Umamin ka. Anong ginawa mo sa akin?
GINO: Wala nga. Ba't ba ayaw mong maniwala?
YANNI: Yong totoo.
GINO: Bakit ba...kung may ginawa ba ako sayo, may magagawa ka pa?
YANNI: Haist! So meron nga.
GINO: Okay, okay. Ganito kasi yon. Muntik na.
YANNI: Muntik ng ano? (naniningkit ang mga mata nito)
GINO: Muntik ng ano...muntik na kong...may magawa sayo.
YANNI: Ano?!
GINO: Kiss lang naman.
YANNI: Tss! Halik lang ba talaga?
GINO: (with a sly smile) Siguro, kung di dumating si mama, baka mas higit pa dun.
YANNI: Haist! Grabe ka...alam mo ba yon! (sabay hampas sa braso ng asawa)
GINO: Hayaan mo na, nakaraan naman na yon. At hindi naman ako naging successful sa attempt ko na yon. Thanks to mama, she saved you. (sabay kindat)
YANNI: Ang sama mo talaga!
GINO: Uy hindi naman. Naisip ko rin nun, na pagod na pagod ka na, kaya naawa din ako sayo.
YANNI: Haist! You're such a perv!
GINO: With a heart.
YANNI: Baliw! At concerned ka pa talaga sa lagay na yon? The fact na pinag-isipan mo na ko ng masama, nagkasala ka na nun.
GINO: Overwhelmed kasi ako nun kasi nga kasal ka na sa akin, which means pag-aari na kita.
YANNI: Tss! Kaya mo ko pinag-isipan ng masama.
GINO: Sabi ko kiss lang.
YANNI: Sabi mo higit pa dun.
GINO: (matatawa) Pero binawi ko nga di ba kasi nga pagod ka na nun.
YANNI: Ewan ko sayo.
GINO: Pero matanong nga kita. Nung unang pagkikita natin nun, anong naging impression mo sa akin?
YANNI: Mayabang at mahangin.
GINO: Pambihira. Di ka man lang ba nagwapuhan sa akin?
Iiling si Yanni.
GINO: Totoo? Sa hitsura kong to, di man lang ba sumagi sa isip mo na isa kang babae?
YANNI: Hay, Diyos ko po, ang yabang talaga. (rolls eyes)
GINO: Wala ka man lang ba talagang napansin na kakaiba sa akin nun? I mean, something special.
YANNI: Hindi ka rin makulit no. Wala nga. Basta ang tingin ko lang sayo nun isang karibal. Kalaban. Kaaway.
GINO: Alam mo, nakakainis ka.
YANNI: I'm just being honest.
GINO: But you know what? Maniniwala ka ba na kahit wala yong business deal, papakasalan pa rin kita? At gagawin ko ang lahat mapapayag ka lang.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!