GINO: No! Gusto ko...gustong-gusto! Honey. Something sweet. Ibig sabihin, sweet ako?
YANNI: Hay...ito na naman po tayo.
GINO: Aminin mo na kasi, pinili mo yon dahil sweet ako.
YANNI: Oo na, oo na. Kung yan ang magpapasaya sayo, oo na. Sige na.
GINO: Basta ako, baby pa rin ang tawag ko sayo.
YANNI: E di hindi tayo pareho.
GINO: Okay lang yon. Basta simula ngayon, hon or honey na ang itatawag mo na sa akin, okay?
YANNI: Opo kamahalan. Teka, ba't nga ba baby ang tawag mo sa akin?
GINO: E yon ang gusto ko. Super cute mo kasi. Mapa-masaya, malungkot, naiinis, galit, umiiyak, super cute mo pa din. At gustong-gusto ko na inaalagaan kita, parang baby lang.
YANNI: So tingin mo sa akin bata, ganun?
GINO: Of course not!
YANNI: Joke lang. Gets ko na.
GINO: Baby, meron pa pala akong quote na baon.
YANNI: Ano?
GINO: People may not always tell you how they feel about you, but they will always show you just as I do, so pay attention.
YANNI: Tss! Di ba dapat akong nagsasabi niyan?
GINO: Oo nga no. Pero okay din naman na ako kasi sometimes you don't pay attention.
YANNI: Ganun?
GINO: Yes po.
YANNI: Okay, from now on, I'll pay attention na.
GINO: Ikaw, wala ka bang baong quote diyan aside sa keep off the grass?
YANNI: Meron!
GINO: Ano?
YANNI: Please mind the gap between the train and the platform.
GINO: Haist! Ikaw, puro ka na naman kalokohan.
YANNI: Jino-joke lang kita.
GINO: Ewan ko sayo.
YANNI: Ito...ito na talaga.
GINO: Hm...ano na naman yan. Please mind your head? Beware of dogs?
YANNI: Hindi.
GINO: Ano?
YANNI: (ilalapit ang bibig sa may teynga ng asawa then enunciates) Keep calm and love me forever.
GINO: (mangingiti) I will!
YANNI: (rests her head on the hollow of his neck) I love you.
GINO: I love you more.
YANNI: I love you...most.
GINO: I love you most. Period. Locked. Tapon susi sa dagat!
YANNI: (matatawa) Ang corny mo ha.
GINO: Parang ikaw hindi.
YANNI: Teka, baka nabibigatan ka na sa akin. Sabihin mo lang.
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!