GINO: Huh! Ang tindi mo din a.
He stands up and gets a robe from the mini closet inside.
GINO: Here. (ihahagis ang robe sa tabi ni Yanni) For the meantime, pwede mo munang gamitin yan. Para ka kasing kiti-kiting di mapakali diyan sa suot mo. May CR din dito kaya you don't have to go out. Bababa lang ako saglit to get something for you to eat. Kanina ka pa di kumakain, e. I know, gutom na gutom ka na.
YANNI: Salamat, pero di ako gutom.
GINO: I still insist. Dito ka lang. (lalabas)
YANNI: Fine.
Pagkalabas ni Gino, agad na tatayo si Yanni at ilo-lock ang pinto. Papatayin nito ang nakabukas na mga CFL at i-o-on naman ang mga halogen lamp, making the room lighting a bit dim. Then huhubarin nito ang suot na gown at jeans at isusuot ang robe na binigay.
YANNI: Hay...what a relief! (ihahagis ang mga hinubad na damit sa gilid at mahihiga, sa isip nito) Ang sarap naman dito...malamig, malambot ang kama at walang isturbo.
At unti-unti, pipikit ang mga mata nito. Wala itong masyadong tulog ng mga nakaraang gabi dahil sa kaiisip sa party.
Pagbalik ni Gino...
GINO: Locked? (kakatok) Yanni! Yanni, open the door.
Wala itong makukuhang sagot.
GINO: Tss! Bumabawi ka ha. Akala mo maiisahan mo ko ha. (kukunin ang susi)
Pagkabukas...
GINO: (mangingiti) Hanep! Tulog pala.
Ilalapag nito ang dalang pagkain sa may side table na naroon. Then dahan-dahang iaayos nito ang pagkakahiga ng natutulog na dalaga.
GINO: Pati sa pagtulog parang lalaki.
Habang inaayos niya sa pagkakahiga si Yanni, hindi niya mapipigilan ang sarili na mapatitig dito. Nagmistula itong isang natutulog na diwata sa kanyang paningin kahit gulong-gulo na ang buhok nito dahil sa pagkakahiga. And in a snap, he'll be mesmerized and hypnotized with the beauty he's now beholding. He feels like something has struck him, something's happening to him which he couldn't explain, as if there's a powerful magnet that draws him towards her. And inch-by-inch, he lowered his face down her and gently kisses her lips.
Meanwhile...
Masayang pagbibigyan ni Ces ang kahilingan ng ilan sa mga bagong kaibigan na ilibot ang mga ito sa buong kabahayan kasama si Erin. Uunahin muna nila ang mga kwarto sa ikalawang palapag then sunod ang sa baba.
Pagkatapat sa kwarto kung nasaan sila Gino at Yanni...
CES: (bubuksan ang pinto) And this is our mini cine—
Hindi matatapos ni Ces ang sasabihin dahil sa bubungad sa kanila ang di kanais-nais na eksena: Gino and Yanni kissing in a dim-lit room.
LAHAT: Whoa!!! Oh my God!
CES: Gino!
GINO: (gulat na gulat, bigla itong mapapatingin sa may pinto) Ma...? (agad na tatayo)
CES: (salubong ang kilay) What are you doing?
Hindi makakasagot ang binata. Mapapalunok na lamang ito. Bigla namang magigising si Yanni dahil sa ingay. Babangon ito at mauupo.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!