GINO: What? Don't tell me, pagkaalis ko, tsaka din siya umalis?
BECKY: A...e...ganun na nga po.
GINO: Haist! Sinabi ng magpahinga lang siya dito e. Tigas talaga ng ulo. Umalis siya nang di nagsasabi, isinakto pa niya talaga na wala na ko para di hassle sa kanya. (sa isip nito) Naisahan na naman niya ako. (to Becky) Sinabi ba niya kung saan siya pupunta?
BECKY: Sa...sa mama daw po niya.
GINO: Hinatid ba siya ni Jess?
BECKY: Opo. Um...katunayan po niyan sir, nagpaalam po siya sa aming lahat.
GINO: Sa inyo, oo. Sa akin hindi.
Hindi makakaimik si Becky.
GInO: Sige tatawagan ko na lang siya.
BECKY: E Sir, kumain na po ba kayo? Gusto niyo po bang kumain na ngayon?
GINO: Mamaya na lang siguro pagdating ng Ma'am mo. Salamat.
BECKY: Okay po.
Didiretso si Gino sa may pool area at doon tatawagan ang asawa.
Samantala...
YANNI: Haist! Kainis!
JESS: Ma'am, okay lang po ba kayo?
YANNI: Hindi dahil siguradong lagot ako kay Gino pag naunahan niya ko sa bahay.
JESS: E di sabihin niyo na lang po yong totoo na galing kayo sa inyo tas naipit po tayo sa traffic.
YANNI: Sana lang talaga wala pa siya dun.
Saktong tutunog ang phone nito.
YANNI: Oh my god! Ito na siya. Tumatawag na. Jess, malapit na ba tayo?
JESS: Opo.
YANNI: Ah...okay. (answers the call) Hello asawa ko! Good evening!
GINO: (in a serious tone) Asan ka?
YANNI: (mapapakagat-labi, sa isip nito) Haist! Sabi ko na nga ba. (to Gino) A...e...
GINO: A...e...i...o...u...nasaan ka?
YANNI: Gino...
GINO: Ano? Ba't di mo masagot yong tanong ko? Mahirap ba?
YANNI: Um...pa...pauwi na.
GINO: Umalis ka na naman nang di nagsasabi at nagpapaalam.
YANNI: E kasi...
GINO: Kasi ano?
YANNI: E kasi I know and I'm sure na di mo ko papayagan.
GINO: Alam mo pala yan e, ba't umalis ka pa?
YANNI: Kasi bored na bored na ko e. Ikaw ba naman ang walang ginagawa ng ilang araw. Di ako sanay.
GINO: So you sneaked out at tinaon mo pa pagkaalis ko.
YANNI: Uy...sorry na.
GINO: Yesterday, umalis ka rin ba?
YANNI: Um...o...oo.
GINO: Saan ka nagpunta?
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!