ELLY: Ay!!! (sabay talikod) Sorry...sorry...
Agad namang itutulak ni Yanni ang asawa. Nahihiyang mapapaharap ang dalawa sa bagong gising na bisita.
YANNI: (nakatungo) Ma...may...may kailangan ka? (sabay sulyap sa asawa)
ELLY: (haharap sa dalawa) Wala naman.
GINO: Good morning, Ma. (sabay beso sa biyenan)
ELLY: Good morning din. Pasensya na kung na-isturbo ko kayo. Hindi ko kasi alam na—
YANNI: Ma! (she can feel her face burning)
GINO: (mangingiti) Wala po yon. A, sige po, aalis na po ako. Feel at home po. Wag po kayong mahihiya. Si Yanni na po muna ang bahala sa inyo.
ELLY: Sige, salamat, hijo. Ingat ka.
GINO: Baby, alis na ko.
YANNI: (marahang tatango) Sige. Ingat ka.
Pagkaalis ni Gino...
Isang mapang-asar na ngiti ang makukuha ni Yanni sa ina. Tila kilig na kilig ito sa kanila ng asawa.
YANNI: Ma!
ELLY: O bakit?
YANNI: Nakakaasar ka.
ELLY: Bakit? E malay ko ba na ganun madadatnan ko. Tapos dito pa talaga.
YANNI: Ma! (nag-aalalang mapapatingin sa paligid) Boses mo.
ELLY: Ba't ka ba nahihiya. Wala yon sa akin. Ang cute niyo nga e. Bagay na bagay nga talaga kayo.
YANNI: Ewan ko sa inyo.
ELLY: Ito naman.
YANNI: Hay naku, tingnan lang natin kung ganyan ka pa rin mamaya once na makaharap mo si papa.
By then biglang matatahimik si Elly.
YANNI: (nang-aasar na tono) Mm...natahimik.
ELLY: O siya sige na. para makauwi na tayo.
YANNI: Uy...excited.
ELLY: Ewan ko sayo. (sabay pasok ulit sa kwarto)
Natatawang susunod lang si Yanni sa ina.
Pagkatapos mag-agahan ang mag-ina, magpapaalam na ang mga ito at didiretso sa bahay nila.
Ilang saglit pa...
ELLY: Anak, okay na ba yong hitsura ko? Okay lang ba na tong suot ko?
YANNI: (bagot) Ma, pangatlong palit mo na yan.
ELLY: Alam ko. Gusto ko lang makasiguro na di ako mapipintasan ng tatay mo.
YANNI: Ba't naman niya gagawin yon? Tsaka yon ba talaga dahilan o gusto niyo lang talagang mag-ayos at magpaganda para sa kanya?
ELLY: Gusto kong makita niya kung sino na ngayon yong babaeng iniwan niya nun.
YANNI: Naks naman! Yes naman! May ganun talaga? Ano to, sweet revenge?
ELLY: Hoy, Teana, tigilan mo na nga ako.
YANNI: Bilisan niyo na kasi.
ELLY: Oo na nga, ito na nga. Ano? Okay ba?
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!