GINO: Baby, pwedeng mamaya mo na lang ulit kulitin si Mama? Mas maganda siguro kung maghahapunan na muna tayo. I'm sure gutom na rin si mama, di po ba ma? Mamaya niyo na lang po pag-usapan yan after.YANNI: Okay. (titingin sa ina) Ma, okay ka lang ba?
ELLY: (aayusin ang sarili) Oo naman.
YANNI: Tara kain na tayo.
At habang papuntang hapagkainan, patuloy naman sa pang-aasar si Yanni sa ina.
YANNI: Ma, wag masyadong excited ha. Wag mo munang masyadong isipin si papa ha. Baka mamaya di pa yon makatulog.
ELLY: At sinong excited? Tigilan mo nga ako, Teana.
YANNI: Hindi excited? E ba't ka nagba-blush?
ELLY: Teana!
Tuwang-tuwa naman ang ilang kasambahay na naroon at nakamasid sa kanila.
GINO: Ikaw, tigilan mo na nga si mama. Baka mamaya umuwi na yan.
YANNI: Yon ay kung papayagan ko.
ELLY: A ganun? E kung di na lang kaya natin ituloy yon? Di na lang kaya ako makipagkita sa tatay mo?
YANNI: Ma naman...joke lang po yon. (sabay yakap sa braso ng ina na parang bata) Ito naman, di na mabiro e. Nasabi mo na, wala ng bawian.
ELLY: Ewan ko sayo.
YANNI: Okay. Sige na, titigil na ko. Kumain na tayo para makapagpahinga ka na ng maaga para bukas fresh kang haharap kay papa. Pero paalala lang, wag masyadong maganda ha, baka maging breathless pa yon o di kaya magkaroon na naman ng heart attack pag di kinaya beauty mo.
Tawanan ang lahat.
ELLY: Teana! (sabay kurot sa tagiliran ng anak)
YANNI: (natatawang iiwas) Aray! Aray! I love you, Ma.
ELLY: Alam mo, manang-mana ka sa kasutilan ng tatay—(biglang mapapatigil)
YANNI: Ei...si mama, iniisip si papa.
GINO: Yanni!
ELLY: Hay naku, Gino, kung wala lang talaga siyang asawa, kanina ko pa yan nakurot sa singit o di kaya napalo sa puwet.
GINO: Hayaan niyo po ma, ako na lang po gagawa nun para sa inyo.
Tawanan ulit ang mga naroon na tila kinikilig ang mga ito sa dalawa.
YANNI: (masama ang tingin sa asawa) Haist!
GINO: Ano?
YANNI: Humanda ka. Mamaya ka sa akin.
GINO: O, narinig niyo yon ha. Humanda daw ako mamaya. Excited na ko. Kaya kailangan siguro damihan ko kakainin ko ngayon.
YANNI: Gino!
ELLY: Ayan, buti nga sayo, nakahanap ka rin ng katapat.
YANNI: Haist! Sige, pagkaisahan niyo pa ko.
Pagkatapos maghapunan...
ELLY: Sige, hindi na rin ako magtatagal. Salamat sa napakasarap na hapunan...at pasensya na rin sa abala.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!