GINO: Bakit ba? E doon din naman tayo pupunta...soon. Very soon.
YANNI: Hay naku...ito na naman po tayo. (sabay pikit ng mga mata)
GINO: Sana this year makabuo na tayo para next year, may baby na tayo. At sana lalaki yong maging panganay natin or kahit babae basta healthy. Kaya don't strain yourself too much sa office ha. Ayoko kasi na mahirapan kang magbuntis. Tsaka pag nagbuntis ka, titigil ka muna sa work. Gusto ko makapagpahinga kang maigi. Hay! Excited na talaga ako sa mga pwedeng mangyari after this. Iniisip ko pa lang, ako, ikaw, yong magiging baby natin. Ang saya nun! At alam mo ba, excited na talaga sila mama sa magiging baby natin. Gusto nga niya doon ka manganak sa America if ever para dual citizenship agad. Ang tindi ni mama no? Baka nga hilingin pa nun na iwan na lang natin yong baby sa kanya dun. Gusto nga rin niya limang apo daw or more. Sabi ko naman, okay na ang dalawa or tatlo. Tas sabi niya, the more, the merrier daw. Kaya mo yon? Limang anak?
Hindi kikibo ang asawa.
GINO: Baby? Nakikinig ka ba?
Wala itong makukuhang sagot.
GINO: Baby! (kukunin nito ang isang kamay ng asawa at itataas) Pambihira! Tinulugan na naman ako. Bakit ba pag tungkol sa baby ang usapan, lagi mo kong tinutulugan?
Monday morning...
Unang magigising si Yanni. Bababa na sana ito ng kama pero mapapatingin ito sa tulog pa ring asawa. She couldn't keep herself from smiling. And slowly and silently, she moves closer to him and stares at him for quite a while.
YANNI: (whispers) Good morning, honey ko. (gives him a gentle kiss on the lips)
Paimpit na lang itong mapapatili dahil sa bigla na lamang niyang mararamdaman ang pagpulupot ng mga kamay at braso ng asawa sa kanyang katawan at ang mahigpit na pagyapos nito sa kanya.
YANNI: You're awake? (hiyang-hiya ito sa asawa)
Instead of an answer, Gino smirks, slowly opens his eyes and leers at her.
YANNI: (ramdam nito ang pamumula ng mukha) Haist! Nakakainis ka! Bitiwan mo nga ako. (pilit itong kakawala sa asawa)
By then, Gio rolls over, making him on top of her.
GINO: Ba't ka nagnanakaw ng halik ha? (nakakaloko ang ngiti nito)
YANNI: Hindi no. Dapat talaga sa...sa...cheek yon kaso...
GINO: Kaso...?
YANNI: Ano...um...
GINO: Walang maisagot. Guilty!
YANNI: Haist! Umalis ka nga diyan. Para kang sira!
GINO: Dapat kasi sinasabi mo sa akin para next time hindi mo na gawin yon panakaw at para makarami-rami ka.
YANNI: Kapal mo! Hindi nga kasi—
GINO: Totoo?
YANNI: Ewan ko sayo.
GINO: Let's see kung totoo nga yang sinasabi mo. (holds her hands and lowers his head for an attempt to kiss her)
YANNI: Gino, isa! (natatawang iiwas nito ang mukha)
GINO: Aba't gusto pa talaga akong pahirapan a. Okay, fine. Challenge accepted!
He lets go of her hands and cups her face instead and seals her lips with his before she can even say a word. And when it ended...

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomantikSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!