GINO: Hindi pwede.
YANNI: At bakit?
GIO: Dahil ang alam nila magkasama tayo.
YANNI: Psh! Lame excuse. Go away!
Isasara na sana nito ang pinto pero mabilis itong pipigilan ni Gino at ihaharang ang katawan.
YANNI: Gino, ano ba?
Buong lakas niyang itutulak ang pinto pero parang wala lang ito sa asawa so wala na siyang magagawa pa kundi bitiwan ito at papasukin ang huli.
YANNI: Haist! Hindi mo ba ko titigilan? (inis na ibababa ang gamit sa kama at mauupo ito sa may paanan)
GINO: Hindi. (pang-asar ang ngiti nitong isasara ang pinto at mauupo sa sofa)
Isang masamang tingin ang ipupukol ni Yanni sa asawa.
GINO: Ei...ano bang klaseng tingin yan? Parang kakainin mo ko ng buo a o di kaya kung nanunuot lang yan or matalim siya, malamang gutay gutay na ko ngayon.
YANNI: Hindi ka nakakatawa.
GINO: Okay, shut up na ko.
YANNI: Magsabi ka nga ng totoo, ikaw ang may pakana nito no?
GINO: Uy, masama yang basta-basta naminintang ha.
YANNI: Eh sino pa nga bang pwedeng makaisip nito kundi ikaw lang.
GINO: Sure ka?
YANNI: Hundred and one percent!
GINO: Okay, believe me or not, hindi ako ang may idea nito.
YANNI: Really? So ang Mama mo ang may pakana ng lahat ng to, ganun?
GINO: Well, yeah.
YANNI: Alam mo, ikaw, ang sama mo talaga. Pati Mama mo dinadamay mo sa mga kalokohan mo.
GINO: Hay naku, bahala ka na nga sa kung anong gusto mong isipin. Basta ang importante (pabulong) nandito ka ngayon.
YANNI: Anong sabi mo?
GINO: Wala.
YANNI: Pwede ba umalis ka na?
GINO: Ayoko.
Yanni impatiently looks up ang breathes in deeply.
GINO: (biglang magseseryoso) Yanni...let's talk.
YANNI: Let's talk? Ano pa bang tawag mo sa ginagawa natin?
GINO: I'm serious.
Tataasan lang siya ng kilay ni Yanni.
GINO: Let's talk about us.
YANNI: Wala tayong dapat na pag-usapan tungkol sa atin.
GINO: Of course we do.
Tataasan lang ulit siya ng kilay ni Yanni.
GINO: Bukas, pipirma na tayo.
YANNI: So?
GINO: Panghabang-buhay na yon.
YANNI: Kung pipirma, e di pipirma. May magagawa pa ba ako?
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!