7 - Shall We Dance?

19.2K 71 6
                                    

                   

YANNI:           (tatanggalin ang kamay ni Gino sa may beywang niya at pandidilatan ng mata ang binata) Umayos ka.

GINO:             Ano bang problema mo? Ganun naman talaga. (ibabalik ang kamay nito sa may beywang ng dalaga)

YANNI:           Well, then, ayoko ng gawin to. (kakawala ito pero mas lalo lang siyang hahapitin ni Gino)

GINO:             You can't leave...not just yet. Di pa nga tayo nakakapag-start. (hihigpit ang hawak nito sa dalaga)

YANNI:           (paniningkitan ng mata si Gino) Pagsisisihan mo to, Saravia. Itaga mo yan sa bato.

Mangingiti lang ang binata. Then, magsisimula ng sumayaw ang dalawa with Gino's instructions. Kung saan-saan naman titingin si Yanni para iwasan ang mga titig ng kapareha.

GINO:             See? Madali lang di ba?

Hindi sasagot si Yanni. Nakabusangot lang ito. After a while, mapapatitig si Gino sa dalaga which will make her uneasy.

GINO:             (in a soft voice) You're so lovely.

YANNI:           Ano?

GINO:             I said you're so beautiful tonight. (hindi maalis ang pagkatitig sa kasayaw)

YANNI:           Shut up.

GINO:             To tell you the truth, what I see now is far beyond what I imagined and expected.

YANNI:           I said shut up.

GINO:             And I like it.

YANNI:           Hindi ka talaga titigil?

GINO:             And now, I can't take my eyes off you. I think I...I—

YANNI:           Cut it out! Baka nakakalimutan mo, hindi tayo talo. Tandaan mo yan!

GINO:             (simpers) Kelan ka ba magigising sa katotohanan at matanggap mo na isa ka sa mga kalahi ni Eba?

YANNI:           Never! Babae man ako sa paningin mo ngayon—

GINO:             Pero ano? A...what you mean is, isa kang kauri namin na na-trap sa katawang yan.

YANNI:           Exactly. Buti alam mo.

GINO:             Okay. (nakakaloko ang tinging tatango-tango ito) I just wonder kung anong na-feel mo nung time na yon?

Mapapakunot-noo si Yanni.

GINO:             Di mo maalala?

YANNI:           Hindi ko alam kung anong sinasabi mo.

GINO:             Of course, you do. Di mo na ba maalala yong time na we kissed?

YANNI:           Haist! (covers his mouth with her hand) Ano ba? Pati ba yon kailangan mo pang ungkatin at ipaalala? Mahiya ka nga!

GINO:             Bakit ba? Anong masama sa sinabi ko? Tsaka, bat ako mahihiya? E totoo naman di ba?

YANNI:           Tumigil ka na.

GINO:             Nakakaproud nga e. Kasi bihira lang yong mga ganung pagkakataon......yong maka-score ang isang guy sa isang kagaya mo.

YANNI:           Manyak ka talaga. No wonder di ka nagustuhan ni Grace.

GINO:             Isipin mo na'ng gusto mong isipin; for all I care. Buti nga nangyari yon e. Kasi feeling ko, kahit papano, nakabayad ka na ng konti sa ginawa mo sa akin at sa kotse ko.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon