57 - I Date You

13.3K 90 22
                                    

YANNI: (dadaanin sa joke ang sasabihin) Hindi kasi ako makasabay sa imagination mo.

GINO: Siguro nga, sa ngayon, hindi pa. But I'm willing to wait until the day na sabay na tayong mangangarap. I'm willing to wait kahit gaano pa katagal pa yon. (brings her hand to his lips then kisses it)

YANNI: (marahang matatawa) Tss! Ewan ko sayo. Lika na nga.

GINO: I'm serious. Hindi ako titigil na ligawan ka hangga't di ako nakakasiguro na buong-buo na yang puso mo para sa akin. Hindi ako titigil hanggang sa dumating yong time na wala ka ng choice kundi pagbigyan ako kasi pagod ka na sa kapipigil diyan sa puso mo na ma-in love ng tuluyan sa akin.

YANNI: Baliw!

GINO: (aayusin ang upo paharap sa asawa) Basta, itong tandaan mo, (pokes her nose) Mrs. Teana Isobel Romano Saravia... (nakangiting paniningkitan nito ang huli) Bibigay ka rin sa akin...at alam kong malapit na malapit na siya. (smiles as he bites his lower lip)

YANNI: (mapapangiti na rin) Aba't—ang taas din ng confidence mo a—oh no, no, erase that. Ang kapal talaga ng mukha mo! (marahang tatampalin ang pisngi ng asawa)

GINO: (huhulihin ang kamay ni Yanni) Mataas talaga ang confidence ko dahil alam kong may pupuntahan tong panliligaw ko sayo. (hahalikan nito ang kamay ng asawa)

YANNI: (babawiin ang kamay) Haist! Ang yabang talaga.

GINO: Sinasabi ko sayo, you're being a Saravia out of a deal won't bide that long, coz you'll be one...out of love...soon. You'll fall for me at mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sayo. And I'm telling you, I'm gonna make that happen.

Pagkalabas ng dalawa sa simbahan...

YANNI: O, saan na tayo ngayon?

GINO: Ikaw, saan mo ba gusto?

YANNI: Ako yong unang nagtanong kaya ikaw dapat ang sumagot.

GINO: Um...ano kasi...may problema tayo.

YANNI: Ano?

GINO: Nakakahiya mang sabihin pero...wala akong ibang alam na lugar dito, except sa mga malls. Kaso di pa sila open sa mga oras na to.

YANNI: Tss! Ang OA lang ha. Naturingan ka pa namang taga-rito tas di mo alam.

GINO: Kailangan ko pa bang i-explain ulit yong tungkol diyan? Tsaka isa pa, hindi po ito ang original plan ko para sa date na to. Nasira lang siya dahil sa mga kondisyon mo.

YANNI: So, naiinis ka na hindi natuloy yong mga plano mo.

GINO: Of course not.

YANNI: Yong totoo...

GINO: Okay. To be honest siyempre medyo naiinis ako kasi nga hindi ito yong plan ko. Ang dami ko pa namang naisip na surprises for you at ang dami ko ring gustong puntahan natin. Kaso paano ko magagawa yong mga yon sa one thousand pesos—no—seven hundred na lang pala, tas wala pang sasakyan?

YANNI: Haist! Hindi ka pa rin pala nakaka-move on sa three hundred na offering. Pambihira.

GINO: Sana kasi hindi kasama yon. Sana sinabi mo na lang na one thousand three hundred ang baunin natin or more.

YANNI: So, nanghihinayang ka na binigay natin yon?

GINO: Hindi naman sa ganun...

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon