Ilang saglit pa...
GINO: A...Ma...
ELLY: O bakit?
GINO: Tungkol po pala dun sa balak na pagbili ni Tita Ninang ng kotse para kay Yanni, pwedeng ako na pong sumagot nun?
ELLY: A...e...'nak, mukhang magkakaproblema tayo tungkol diyan.
GINO: Bakit naman po?
ELLY: Baka hindi pumayag ang Tita Erin mo.
GINO: Ako na pong bahala sa kanya, ako na pong kakausap.
ELLY: E si Yanni, baka hindi rin yon pumayag. Sa Tita nga niya, ayaw niyang pumayag, sayo pa kaya.
Hindi makakasagot si Gino.
ELLY: Um...pasensya na, hijo. Wag mo sanang masamain yong sinabi ko. Alam natin na...
GINO: (mangingiti) Naiintindihan ko po. Pero gusto ko pa rin pong i-insist. Basta kami na lang po'ng mag-uusap ni Tita Ninang.
ELLY: Pero, hijo, Hindi ba kalabisan na yan para sa anak ko?
GINO: Ma, asawa ko na po siya. Kailangan ko rin pong i-consider yong kapakanan niya. Responsibilidad ko na po siya ngayon.
ELLY: Maraming salamat kung ganun. Basta, bahala na lang kayong mag-usap na mag-asawa.
GINO: Opo. Eh...ma, pwede po bang magtanong?
ELLY: Oo naman. Tungkol saan ba?
GINO: (mapapakamot sa batok) Tungkol po sana kay Yanni.
ELLY: Ano naman ang tungkol sa kanya?
GINO: E...gusto ko po kasing...gusto ko po kasing malaman yong mga gusto niya tsaka mga ayaw niya rin.
ELLY: Sus! Yon lang ba?
GINO: Opo. Pwede po ba?
ELLY: Oo naman! Pwedeng-pwede. (pabulong) Wag mo na lang sasabihin na sinabi ko sayo.
GINO: Wala po tayong magiging problema diyan.
Magiging maganda ang pag-uusap ng magbiyenan. Madaming malalaman si Gino tungkol kay Yanni. And at the back of his mind, marami ng nabubuong plano kung paano siya mapapalapit kay Yanni.
After a while, hahayaan ni Elly si Gino sa pagbantay sa ini-steam na leche flan at aakyatin naman nito ang anak para may makatulong ito sa paghahanda ng kanilang tanghalian. Bababa si Yanni na nakasimangot pa rin. Hindi naman maialis sa mukha ni Gino ang ngiti nang makita nitong nakatali ang medyo humaba ng buhok ng asawa.
Habang naghihiwa ang mag-ina nga mga gulay, biglang magri-ring ang telepono.
ELLY: Ako na. (tatayo ito at pupunta sa may sala)
Seryoso namang magpapatuloy sa ginagawa si Yanni.
GINO: Uy, ang seryoso mo naman. Ngumiti ka naman diyan.
YANNI: Pwede ba, wag mo kong pakialaman. Gawin mo yang pinapagawa sayo. (in a soft voice) Ikaw balatan ko diyan e.
GINO: (mangingiti at mangangalumbabang tititigan ang asawa) Bagay sayo.
Yanni looks at him without lifting her head up.
GINO: Yang ayos mo. I like it. Lalo kang gumanda.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!