2 - Stratagem

22.3K 98 5
                                    

YANNI: (smiles with a sly) Sorry...di ko sinasadya. (widens her smile)

GINO: You little... (tatayo ito at mahigpit na hahawakan sa may braso si Yanni)

YANNI: Now what? What are you gonna do to me? (nang-aasar ang mga ngiti nito)

GINO: Alam mo, kung di ka lang talaga babae—

YANNI: Pinatulan mo na ko, ganun?

Hindi sasagot si Gino, mananatiling nakatitig lang ito kay Yanni.

YANNI: Ano? Kakasa ka pa? Wala ka pala e.

Agad na bibitawan ni Gino si Yanni nang maramdaman nilang pababa na si Grace ng hagdan.

GINO: (pigil nito ang galit at inis) Pasalamat ka, andiyan si Grace.

Nang-iinis na ngingitian lang ni Yanni ang binata.

GRACE: O, tara na guys. Teka, anong nangyari sayo?

GINO: (mapapasulyap kay Yanni) Kasi—

YANNI: Kasi nabitawan niya yong baso kaya ganyan. Nahiya ka pang sabihin.

Mapapabuntong-hininga na lang si Gino sa inis.

GRACE: Ganun ba? Um...gusto mo, maghugas ka muna?

GINO: (mangingiti) A, wag na. Kasi maaabala pa kita pag ganun. Baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo. Okay lang ako. Sa bahay na lang.

GRACE: Sure ka?

GINO: Oo naman. Salamat sa concern. At dahil diyan, okay na ulit ako.

GRACE: Hay naku, binobola mo na naman ako.

GINO: Hindi a. Kaming mga Saravia, palabiro kami minsan. Pero wag ka, iba kami pag nagmahal (sabay nakakalokong tingin kay Yanni). Teka, for the last time, ayaw mo ba talagang pahatid?

GRACE: Wag na nga. Okay lang ako.

Mauunang lalabas si Yanni ng bahay.

GRACE: O, ayan, sakto, may traysikel.

YANNI: Mama! Mama, para! May sasakay!

Agad na babalik ang nasabing sasakyan.

GRACE: Thanks, Yanni!

YANNI: Wala yon, basta para sayo. (sabay kindat)

GRACE: Sige, ha. Mauna na ko sa inyo. Pasensya na talaga. Next time na lang uli. Bye.

GINO & YANNI: Bye.

Maiiwan ang dalawa na hatid pa rin ng tingin ang umalis na dalaga. Sasakay na sana si Yanni ng motor pero bigla siyang hihilain ni Gino.

GINO: And where do you think you're going?

YANNI: Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Gusto mo talagang masaktan ha.

GINO: Hindi ka pa absuelto. Una, kotse ko. Tapos ngayon itong damit ko.

YANNI: Well, about diyan sa damit mo, pasensya ka. Ininis mo kasi ako. About naman diyan sa kotse mo, wala akong alam sa sinasabi mo.

GINO: Talaga lang ha? Walang alam ha. (ihaharap ang dalaga sa may likuran ng motor) MAR 0326. Malinaw pa sa tubig galing sa gripo niyo na ikaw ang nagmamay-ari at rider ng motor na yan...na sa kasamaang palad, dahil sa di pag-iingat, nadisgrasya lang naman ang kotse ko.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon