43 - Torn

17.2K 61 5
                                    

YANNI: Opo.

ELLY: Buti pumayag.

YANNI: Wala naman po siyang magagawa e.

ELLY: Anak, hindi ka ba nahihirapan? Lalo na ngayon, para kasing pinagsisinungalingan mo si Nikko. Siya pa, na kung ituring niyo ang isa't isa para na kayong magkapatid.

YANNI: Ma, hindi naman po kasi ganun kadali lahat e.

ELLY: Wala ka pa ba talagang balak sabihin sa kanya ang lahat ng tungkol sa inyo ni Gino?

YANNI: Bumubwelo pa po ako para sa tamang panahon.

ELLY: At sa tingin mo, kelan pa yang tamang panahon na yan?

Hindi makakasagot si Yanni sa tanong ng ina.

Matagal ang magiging kwentuhan ng magkakaibigan. Magkakaraoke pa ang mga ito dahil na rin sa kagustuhan ni Nikko. Tuloy, mawawala sa isip ni Yanni ang oras at ang tawagan si Gino. Pagkaalis ng dalawa, saka lang nito maaalala ang asawa.

YANNI: Shit! (agad na aakyat at kukunin ang phone para tawagan ang asawa) Hello? Gino? (hindi na nito aantayin pang makapagsalita ang nasa kabilang linya) Gino, I'm sorry. Na...nawala kasi sa isip ko na...na tawagan ka. I'm so sorry.

GINO: May iba ka pa bang sasabihin?

Di mawari ni Yanni kung anong klaseng emotion o reaction meron ngayon ang asawa.

YANNI: (mapapalunok) Um...sorry din kasi...kasi di ako makakauwi ngayon.

GINO: Alam ko.

YANNI: (tila gulat sa narinig) Ha?

GINO: Tumawag dito si mama. May bisita daw kayo kaya baka di ka makauwi.

YANNI: Si mama, tu...tumawag sayo?

GINO: Kanina pa.

Parang gustong maiyak ni Yanni dahil sa ginawa ng mama niya. Kung pwede lang niyang takbuhin ang ina sa kwarto at sugurin ng yakap.

YANNI: Pasensya na.

GINO: I understand.

YANNI: Bukas ng hapon na lang ako uuwi. Didiretso na lang ako sa office galing dito. Pakisabihan na rin si Jess.

GINO: Okay.

YANNI: Teka, hindi ka...hindi ka galit?

GINO: Ba't naman ako magagalit?

Kung alam lang ni Yanni kung gaano kasaya ang asawa dahil tumawag siya. Para itong binatilyong kilig na kilig.

YANNI: Sabi ko nga.

GINO: Basta may utang ka sa akin.

YANNI: Utang? Anong utang?

GINO: Utang! Utang ni wife kay hubby.

YANNI: Haist! Ikaw, ang dumi na naman niyang nasa utak mo!

GINO: Anong madumi dun? Wala naman akong sinabi a. Ikaw nga diyan ang may maduming iniisip e.

YANNI: Ewan ko sayo. O sige na.

GINO: Wala ka na bang ibang sasabihin?

YANNI: Wala na, yon lang.

GINO: Okay, sige. Good n—

YANNI: Teka, teka...

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon