ERIN: (frowns) What?
Pasimpleng kukurutin ni Elly sa tagiliran si Kei.
KEI: Aray! Ma naman e, joke lang po yon.
ELLY: Umayos ka kasi.
ERIN: Elly, where's my Teana?
ELLY: A...nag-toilet lang saglit. Papunta na rin yon siguro dito.
ERIN: Ganun ba? (lilingon ito sa paligid na parang may hinahanap) Asan na ba yon?
KEI: Sino pong hinahanap niyo Tita?
ERIN: Ang Tita Ces mo.
KEI: Ah...yong best friend niyo po?
ERIN: Yup! Oh, ayun siya. (kakawayan ang kaibigan)
After a while...
CES: Hello, Elly! (yayakap sa kapatid ngkaibigan) It's been a while since the last time we saw each other. And I must say, hindi ka pa rin nagbabago, ang pretty mo pa din.
ELLY: (tila nahihiya) Hindi naman. Tsaka dapat akong nagsasabi niyan sayo. Look at you parang mas bata ka pang tingnan kesa kay Ate.
ERIN: A...ganun? May ganyanan talaga?
Magkakatawanan ang lahat.
ERIN: By the way Ces, this is my beautiful niece, Keizia. Siya ang aming bunso.
CES: Hello, Keizia! (yayakap sa dalaga)
KEI: Hello po, Tita! Welcome back po.
CES: Salamat, hija. Napakaganda mong bata. Sayang hindi kami nabiyayaan ng Tito Vlad mo ng anak na babae.
ELLY: Ay, hindi na ba nasundan si...si...ano nga ulit name ng anak mo?
CES: Gino.
ELLY: A, yes, si Gino.
CES: Hindi na nga e. Napakadamot ng pagkakataon, isa lang talaga ang nabigay. Actually he's here, may kausap lang siya sa phone. (lilingunin ang anak sa may di kalayuan and beckons him to come near them)
Pagkalapit ng binata...
CES: Elly, Keizia, this is my son, Khalee Ginovar. Anak, siya ang Tita Elly mo at ang bunso nila, si Keizia.
GINO: Hello po. (makikipagkamay ito sa dalawa)
ELLY: Ang gwapo naman pala ng binata mo kaya okay lang kahit isa lang ang nabigay sa inyo. Kung ganyan naman pala magiging hitsura, sulit na rin.
Mangingiti at nahihiyang mapapakamot ng batok si Gino.
CES: Sandali, asan na yong panganay mo? Si Teana, where is she?
ERIN: Amiga, pasensya na, nag-CR lang daw saglit.
CES: A, ganun ba?
Bubulong si Gino sa ina.
CES: Okay, got it. (sabay tango) Amiga, Elly, Keizia, di na kami magtatagal ha. May importanteng lakad pa kasi tong batang to. Sayang di na namin maaantay si Teana.
ELLY: Okay lang. Naiintindihan namin. Walang problema.
ERIN: Marami pa namang next time, Amiga.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!