ZANDRO: Hay...grabe. Kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya ngayon. Pwede na kong mamatay.
ELLY: Isa...
ZANDRO: Pero...pwera biro. Hiling ko talaga sa Diyos na sana magtagal pa talaga ako.
ELLY: Ano ka ba? Hindi ka titigil?
ZANDRO: Sinasabi ko lang yong nararamdaman ko.
KEI: Pa, pwedeng positive na lang muna tayo sa lahat? Iwas muna tayo sa kanegahan. Magsimula tayo sa maganda.
ZANDRO: (nangingiting tatango) Salamat. Salamat sa pangalawang pagkakataon na binigay niyo sa akin. Salamat sa pagpapatawad at pagmamahal. Salamat sa pasensya. Salamat sa lahat. Napakabuti ng Diyos sa akin at kayo ang ibinigay niyang pamilya ko.
ELLY: Salamat din at nagbalik ka na. (sabay yakap sa asawa)
ZANDRO: Isa na lang talaga ang kulang.
ELLY: May kulang pa?
ZANDRO: Meron pa.
ELLY: Ano?
ZANDRO: Gusto ko ng apo.
Magkakatinginan silang lahat hanggang sa ang mga tingin ay mapunta kay Yanni.
YANNI: (agad na tatayo) Um...sinong gustong kumain? Meryenda ulit tayo. Medyo nagutom ulit kasi ako. Kayo ba?
ZANDRO: Teka nga, anak, maupo ka nga. Ba't ka ba umiiwas sa usapan?
YANNI: Wag niyo kasi akong tingnan ng ganyan.
ELLY: E saan kami titingin? Alangan namang sa kapatid mo.
YANNI: Ano ba kayo? Di ba kayo nahihiya? Andito si Kei tas yan ang pag-uusapan natin?
ELLY: E ano naman ngayon? Malaki na yang kapatid mo. Nahiya ka pa. Tsaka baka nakakalimutan mong medical student yan.
KEI: Oo nga. Diyos ko, sanay na ko sa mga ganyan no.
YANNI: Haist!
ZANDRO: Anak, seryoso, kelan mo ba kami bibigyan ng apo ng mama mo?
YANNI: Pa... (ramdam nito ang pamumula ng mukha) Ano na naman ba to?
ZANDRO: Nakausap ko yong asawa mo, sabi niya 'soon' daw.
YANNI: Haist! Alam niyo namang palabiro lang yong taong yon di ba?
ZANDRO: Seryoso siya uy.
ELLY: Hay naku, ako nga kung pwede lang na magmakaawa ako sa kanya na bigyan na niya ako ng apo, matagal ko ng ginawa.
YANNI: Ma, nag-usap na tayo about diyan di ba? At ano bang akala niyo sa pagbubuntis at pagkakaroon ng anak parang magic lang?
KEI: Pero ate, kailan nga ba talaga? Ako, gustong gusto ko na ring magka-pamangkin. Inggit na inggit kaya ako kay Criselle pag andun yong pamangkin niya sa apartment.
YANNI: A ganun, naiinggit ka? E di gumawa ka ng sayo.
ZANDRO: Wag mong apurahin yang kapatid mo. Magiging doctor pa yan. Tsaka nagkausap na kami ni Nikko tungkol sa kanila.
KEI: Papa!
ZANDRO: Sinasabi ko nga sa inyo, wala sinuman sa atin ang nakakaalam kung hanggang kelan na lang ang buhay ko. Sana man lang, bago ako kunin ng Diyos e masilayan ko muna at maranasan ko munang makipaglaro sa mga apo ko.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!