Pagkabalik ni Yanni...
GINO: Wow! Ba't parang ang dami naman niyan?
YANNI: Yan ang tinatawag na diskarte. Tsaka mabait kasi si manong.
GINO: Weh...di nga? Yong totoo.
YANNI: Wag ka nang maingay. Basta kumain ka na lang.
GINO: Baka naman kinindatan mo yong mamang yon kaya ka niya binigyan ng madami.
YANNI: Uy, ba't mo alam?
Hindi sasagot si Gio. Seryoso ang mukha nito.
YANNI: Joke lang. Ito naman. Ba't ko naman gagawin yon? Ang cheap ha.
GINO: Curious lang talaga ako. Ano ba talagang sinabi mo or ginawa mo?
YANNI: Wow ha! Big deal? Issue agad?
GINO: I'm serious.
YANNI: Okay. Nakiusap ako kay manong na dagdagan niya. Sabi ko, naglilihi ako kaya yon.
GINO: Nagsinungaling ka?
YANNI: It was a white lie.
GINO: Maski na no. Kakasimba mo lang. Pero...sabagay, gusto ko yang lihi thing na yan. And I wanna work on that one, soon.
Si Yanni naman ang nagseryoso, masama ang tingin kay Gino.
GINO: Ei...joke lang. Sige na kumain na tayo.
Habang kumakain...
GINO: Ang sarap pala ng mga to.
YANNI: Oo naman. Sayang ubos na one-day old, kwek-kwek at adidas nila.
GINO: Ano yon?
YANNI: Hindi mo alam yong mga yon? Saang lupalop ng mundo ka ba lumaki?
GINO: E sa hindi nga e. Anong magagawa ko?
YANNI: Yong one-day old, yon yong sisiw na prinito ng buo, yong kwek-kwek, yong itlog ng pugo, tas yong adidas, chicken feet. Gets mo?
Medyo napangiwi si Gio ng marinig ang huling sinabi ng asawa.
GINO: Paa ng manok tsaka pritong sisiw? Kumakain ka nun?
YANNI: Oo naman. Ang sarap kaya. Kasing sarap niyang isaw na kinakain mo.
GINO: At least ito sa loob, e yon paa!
YANNI: Hay naku. Maswerte ka nga kasi nakatikim ka ng mga to e. Yong hindi lang puro fine dining ang alam mo, may fine eating din.
GINO: Fine eating?
YANNI: Oo, fine eating. Kasi you feel fine while eating.
GINO: Aysus. Corny!
Natawa lang ng bahagya si Yanni. Tuloy pa rin sa kwentuhan ang dalawa habang kumakain.
Pagkatapos...
GINO: Baby, move ka nga hanggang diyan sa may dulo.
YANNI: Bakit?
GINO: Basta.
Susunod naman si Yanni. Pagka-usod, agad na hihiga si Gino at iuunan ang ulo sa may kandungan ng asawa.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!