YANNI: (laglag ang mga balikat, magsisimulang mainis uli) Wala man lang bang kasamang tinidor to or kutsara?
GINO: Wala. I was thinking na okay na tong chopsticks.
YANNI: Ugh!
GINO: Ikaw, wala ka bang mga gamit dito? Tell me, I'll get them for you.
YANNI: Wala.
GINO: Wala?
YANNI: Hindi ako nagluluto. Bumibili lang ako sa labas ng pagkain at iniinit ko dito.
GINO: Kahit disposable spoon and fork wala?
YANNI: Hindi ka rin makulit no?
GINO: Grabe, nagtatanong lang.
She tries to prick again but fails.
YANNI: Argh! (irritatingly puts down the stick and sulks)
GINO: Here... (picks a piece of sushi using his chopsticks) Ah...
YANNI: Ayoko nga! Sinubo mo na yan kaya.
GINO: E ano naman? May masama ba? Wala naman akong sakit. Hot lang ako pero wala akong sakit.
YANNI: Tss! Patawa ka.
GINO: Sige na kasi. Kesa mas lalong lumakas kalam ng sikmura mo. Rinig na rinig kaya.
YANNI: Ayoko. Kadiri ka. Yang akin ang gamitin mo.
GINO: Ay ang arte naman. Anong kadiri? Nag-kiss na nga tayo di ba? Ilang beses na nga. At hindi lang basta-basta—
YANNI: Sige, isang salita mo pa, itutusok ko yang stick sayo.
GINO: (pigil ang tawa) Oo na, oo na.
Kukunin nito ang sticks pero sa di sinasadyang pagkakataon, mabibitawan niya ang mga ito at mahuhulog.
GINO: Oops! Sorry.
YANNI: Ay! Naku naman talaga!
GINO: Sorry na nga e. Hindi ko naman sinasadya.
YANNI: Hindi sinasadya...
GINO: Heto na naman po kami. Pwede ba Yanni, kung lahat na lang ng gagawin ko, bibigyan mo ng masamang interpretation—
YANNI: Ano?
GINO: Wala.
YANNI: Umayos ka ha.
GINO: Haist! (murmurs) Ang bossy talaga.
YANNI: nong sabi mo?
GINO: Ang sabi ko, pano na yan, wala ng spare?
YANNI: Kung di ka ba naman kasi clumsy.
GINO: Oo na, sorry na.
Mapipilitian na rin si Yanni na kumain na sinusubuan ni Gino. Gutom na gutom na rin siya. At habang pinapakian, hindi niya mapipigilan na mapasulyap paminsan-minsan o mapatitig saglit sa asawa at magtaka kung bakit ganoon ito kabait sa kanya.
GINO: Alam mo na ba na ngayon ang dating nila Mama at Tita Erin?
YANNI: E ba't nandito ka? Di ba dapat ikaw ang sumundo sa kanila?

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!