63 - Succumbed

11.5K 66 20
                                    

YANNI: (sising-sising tatangis) Papa...Papaaaaa!!! (biglang mapapabangon ito, habol ang hininga at nanginginig ang buong katawan)

Agad namang magigising si Gino dahil sa pagsigaw ng asawa.

GINO: Yanni, anong nangyayari sayo?

Hindi naman makakasagot si Yanni. Mapapapikit na lamang ito sabay hilamos ng nanlalamig na mga kamay sa mukha.

GINO: Baby, are you okay? (pupunasan ang pawisang mukha ng asawa)

YANNI: Si papa... (tila takot na takot ito)

GINO: What about him?

Hindi sasagot si Yanni. Instead, yayakap siya ng mahigpit kay Gino at magsisimulang umiyak.

GINO: Shhh...tahan na. Andito lang ako, wag ka ng matakot. (sabay hagod ng likod ng asawa)

For a while, hahayaan niya si Yanni na umiyak at ilabas ang nararamdaman nito.

Nang mahimasmasan...

Nakasandal si Yanni kay Gino habang yakap-yakap naman ito ng huli.

GINO: Do you need something? Gutom ka ba? Ipaghahanda kita. (marahang pupunasan ang mukha ng asawa at aayusin ang medyo nagulong buhok nito)

Iling lang ang maisasagot ni Yanni.

GINO: Water. Gusto mo ikuha kita?

Iiling ulit ang asawa.

GINO: Okay, just go back to sleep then.

YANNI: No, I don't want to.

GINO: May maitutulong ba ako? Just tell me kung ano yang bumabagabag sayo.

By then, kakawala si Yanni sa pagkakayakap sa asawa at haharapin niya ito.

YANNI: Si papa...

GINO: What about him?

YANNI: Gino, si papa...kailangan niya ko. Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan ko siyang makita. Kailangan ko siyang hanapin.

GINO: Do you really wanna see him? Kaya mo na ba siyang harapin?

YANNI: I need to see him. I don't know, I don't understand but I can feel...he needs me. My father needs me, Gino. (muli itong mapapaluha)

GINO: Okay, okay. (he reaches for her and draws her to him and hugs her tight) We can talk about that later. For now, you need to take a rest first.

YANNI: Gusto ko siyang mahanap...sa lalong madaling panahon.

GINO: Hahanapin natin siya.

YANNI: Pero...paano kung...

GINO: Shhh...mahahanap natin siya. Magtiwala ka lang, okay? Sige na, pahinga ka na.

In a little while, makakatulog si Yanni na yakap-yakap ni Gino na hindi naman matutulog hangga't di nito natitiyak na tulog na ang nauna.

Kinaumagahan...

Magigising si Gino na wala sa tabi ang asawa. Worried, agad siyang babangon para hanapin ito. Mawawala lang ang kaba sa dibdib niya pagkakita kay Yanni palabas ng banyo.

GINO: Thank God. (he's never been so paranoid before) Good morning!

Tila wala namang narinig si Yanni. Mananatili lang itong nakatayo sa may lagusan papuntang banyo, malalim ang paghinga at tila nanghihina at walang kulay ang mukha.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon