Sa labas...
KEI: Teka, paano tong pagkain nila?
NIKKO: Mamaya na lang. Hayaan muna natin sila. Mauna na lang tayong kumain. Tsaka, isipin mo na lang wala kang nakita.
Ano nga ba ang nakita ng dalawa?
Dahil iisang sofa lang ang naroon, there was no way na makahanap si Gino ng mahihigaan. So, gumawa ito ng paraan para pareho sila ni Yanni na makahiga ng maayos kahit papaano. Binuhat nito ang natutulog na asawa, at inunat ang sarili sa mahabang sofa habang maingat naman niyang inayos ang asawa sa kanyang ibabaw. Ang labas, nagmistulang siyang isang mattress na nakapulupot ang mga kamay sa asawa at tila isang batang padapang natutulog naman ang huli sa ibabaw nito.
KEI: Ang weird naman nun. I mean...sa ganitong lugar talaga?
NIKKO: Normal lang yon sa mga mag-asawa. Kumbaga, wala na silang hiya sa isa't isa.
KEI: Pati nga sa atin di na nahiya e.
NIKKO: Ganun talaga yon. Ma-e-experience mo rin yan (mumbles) pag mag-asawa na tayo.
KEI: Ha? Anong sabi mo?
NIKKO: Sabi ko, ma-e-experience mo rin yon pag nagkaasawa ka na.
KEI: Tss! Pero alam mo, okay lang din na nakita ko yon. May bago na naman akong pang-asar kay ate. Ano kayang magiging reaction nun pag sinabi ko sa kanya?
NIKKO: Kakalbuhin ka nun.
Diretso lang sa kwentuhan ang dalawa hanggang sa matapos kumain.
KEI: Sa tingin mo, gising na kaya yong dalawang yon?
NIKKO: Ewan. Teka, ganito na lang, tawagan na lang natin para sure. (brings out his phone and dials)
Meanwhile...
Magigising si Gino dahil sa pag-ring ng phone nito na ngayo'y nakabulsa sa front pocket ng suot nitong pantalon. Mapapatingin ito sa natutulog na asawa.
GINO: Ay...paano na to?
Nagsisisi tuloy siya kung bakit naisipan pa nitong ibulsa ang nasabing gamit. Sa bandang ito pa naman naroon ang malaking bahagi ng katawan ng asawa.
GINO: Malamang sila Nikko na to. Ayts! Ang hirap pa namang bumangon pag ganito. A...alam ko na.
Ililingkis nito ang mga braso sa katawan ng asawa. Balak nitong tumagilid pakanan at ilapag ulit ang asawa sa sofa para makaalis ito. He's about to move when...
YANNI: Anong ginagawa mo? (salubong ang mga kilay at naniningkit ang mga mata nitong natingin kay Gino)
GINO: A...kasi...
YANNI: Kasi ano? At tsaka anong ginagawa ko dito? Ba't ako nandito? Ba't ka andito? Paano naging ganito position natin?
GINO: Ano kasi—
YANNI: Kasi, kasi, puro na lang kasi. (sabay kurot sa asawa)
GINO: Aray! Aray! (pilit na huhuliin ang mga kamay ng asawa)
YANNI: Haist!
Babangon na sana siya pero bigla siyang yayakapin muli ni Gino.
YANNI: Gino!
GINO: Shhh...wag kang maingay. Baka magising si papa.
YANNI: Bitiwan mo nga kasi ako.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!