Pagkakuha...
GINO: O, ito na.
YANNI: Pwedeng magtakip ka muna ng mata mo?
GINO: Bakit pa? Wala naman akong makikita no, well...not unless...papasukin mo ko diyan. Tsaka di ba, di naman tayo talo?
YANNI: Mukha mo! Gawin mo na lang kasi yong sinasabi ko.
GINO: Okay. Ito na. (sabay takip ng mga mata at abot sa tuwalya)
Yanni slightly opens the door and takes the towel. Pagkakuha, mabilis din niya itong isasara. At nang maibalabal ito...
YANNI: (sisilip uli) Hoy, Gino!
GINO: Ano na naman?
YANNI: Pwedeng...pwedeng doon ka muna sa may terrace? Magbibihis lang ako.
GINO: Haist! (mumbles) Ang dami talagang arte. Bakit kailangan pang lumabas, e mag-asawa naman na kami.
YANNI: May sinasabi ka?
GINO: Wala. Ito na nga o, pupunta na ko doon.
YANNI: Hoy, ikaw, binabalaan kita ha. Wag na wag kang lilingon!
GINO: Oo na. Oo na. (natatawang susunod na lang ito sa utos at gusto ng asawa)
Pagkaalis ni Gino, dahan-dahang sisilip ulit si Yanni.
YANNI: Asan na yon?
She is reffering to her indoor slippers na gamit niya pagkatapos maligo. Mapapalingon ito sa may kinatatayuan ni Gino. Suot nga niya ang hinahanap.
YANNI: (sa isip nito) Pambihira naman...di ba niya kayang magpaa?
Wala na itong magagawa pa. Dahan-dahan itong lalabas at isasara ang banyo pero di nito mapapansin ang pagkaipit ng hemline ng twalya sa pinto.
YANNI: (titingin uli ito sa kinaroroonan ni Gino) Baka biglang lumingon; I need to be quick.
'She needs to be quick'. Ang hindi niya naisip ay kung anong pwedeng mangyari pag ginawa niya ito. Kaya huli na, na sa kanyang paghakbang—malaking paghakbang, ay mahihila siya pabalik ng naipit na twalya, na dahilan na rin para mawalan siya ng balanse. At kasabay ng kanyang pagbagsak ay ang pagkahubad ng nasabing piraso ng tela. Agad namang mapapalingon si Gino dahil sa sigaw ng Yanni.
GINO: Yanni!
Mabilis itong papasok para daluhan ang nakahandusay at halos di makagalaw na asawa. Ngunit—
GINO: Anong nangya—
Bigla itong mapapatigil at mapapalunok, manlalaki ang mga mata at tila matutuod dahil sa makikitang kahubdan ng asawa.
YANNI: Ta...ta...tatayo...ka....na...lang...ba...ba...diyan....a...at...pa... pa...nu...nuorin ako? (inis na mapapapikit at mapapakagat-labi na rin ito sa sakit na nararamdaman)
By then, tila matatauhan si Gino. Kukunin nito ang tuwalyang naipit sa pinto at maingat na ibabalabal kay Yanni.
GINO: Saan ang masakit? Tumama ba yong ulo mo? (hahawiin ang basa at magulong buhok na tumatabing sa mukha ni Yanni)
Iiling lang si Yanni. Nakapikit pa rin ito.
GINO: Okay lang ba kung ilipat kita sa kama?
Tango lang ang magiging sagot ng asawa.
Kahit nanginginig, dahan-dahang bubuhatin ni Gino si Yanni at ilalapag sa malambot na higaan. Hihilain nito ang comforter at itatakip sa katawan ng asawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/1429377-288-k203890.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
Lãng mạnSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!