17 - Mr. and Mrs.

18.1K 63 6
                                        

Hindi pa rin makakaimik si Yanni. Mahaba ang mukhang bibitiwan lang nito ang knob ng pinto at lalayo ng kaunti, sa iba ang tingin. At bago naman tuluyang makalabas ng kwarto si Gino, agad nitong sasamantalhin ang pagkakataon na di nakatingin sa kanya ang asawa.

GINO: (biglang lalapit, cups her face and kisses her on the forehead and smiles) See you later, Mrs. Saravia. (leaves)

YANNI: Haist! Walanghiyang unggoy na yon! (sabay pahid sa noo) Ugh!

Agad na ilo-lock nito ang pinto at tutunguhin ang kama.

YANNI: Mamaya kang Saravia ka. (ibabagsak ang sarili sa higaan) Ano ba tong napasok ko? Ano nang mangyayari sa akin?

At darating ngang magkasama ang dalawa. Magka-holding hands pa. Tuwang-tuwang babatiin sila ng lahat ng naroon. Okay na sana lahat kay Yanni kahit buong umaga nitong bitbit ang pekeng ngiti niya at sumakit ang panga nito kaso dadagdag naman sa proproblemahin niya ang pagiging super extra sweet ni Gino sa kanya which she'll find really awkward.

Pagkatapos mag-agahan, agad na magpapaalam si Yanni.

ELLY: Bakit, anak, may dinaramdam ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?

YANNI: Hindi ma, wala po.

ELLY: Dahil ba yan sa...

YANNI: No, ma. May importante lang po akong gagawin. May tatapusin lang po akong report.

ELLY: Trabaho na naman? Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang yan? O di kaya sa ibang araw na lang. Yong asawa mo muna ang asikasuhin mo.

YANNI: (biglang maiirita) Ma?!

ELLY: Ano? Yon naman talaga ang dapat di ba?

YANNI: Ma, alam niyo kung ano talaga kami sa isa't isa.

ELLY: Pero sa ayaw at sa gusto mo, ngayong kasal na kayo—

YANNI: Nag-usap na po kami ni Gino tungkol diyan. At siguro naman maiintindihan din ni Tita Ces yong kalagayan ko ngayon. Hindi madali ang lahat para sa akin...sa amin ni Gino.

ELLY: Kaya nga mas lalong dapat niyong bigyan ng pagkakataon na makilala niyo pareho ang isa't isa.

YANNI: Ma, please, ayoko po munang pag-usapan yong tungkol diyan.

ELLY: Okay, naiintindihan ko. Pero sana naman anak, magpahinga ka na muna. Alam kong pagod ka at medyo overwhelmed ka pa rin sa mga nangyayari.

YANNI: Kailangan na po kasi to bukas. Malalagot ako sa boss ko pag wala akong nai-present sa kanya.

ELLY: Sabihin mo na kasi sa boss mo yong tungkol sa inyo ni Gino. Siguro naman maiintindihan niya.

YANNI: Ma, hindi pwede.

ELLY: Hindi pwede, tapos ikaw tong nahihirapan.

YANNI: Ma...napag-usapan na natin to di ba? Tayo-tayo lang ang dapat na makaalam nito. Yong iba ngang mga kamag-anak natin, tas si Nikko wala ngang kaalam-alam sa mga pangyayari, ibang tao pa kaya.

ELLY: Bahala ka na nga. Ikaw lang naman tong iniisip ko e.

YANNI: Don't worry, I'll be fine.

ELLY: Sigurado ka ba na okay ka lang talaga? I mean, itong kalagayan mo ngayon.

YANNI: I'm okay...really.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon