26 - In-Laws

17.8K 67 5
                                    

Unti-unti na ring magigising si Yanni.

CES: Kaya bumangon ka na diyan.

Dahan-dahang babangon si Gino at bababa ng kama. Mapapaupo naman si Yanni sa nasabing higaan, lutang ito at walang alam sa nangyayari.

CES: I'm sorry, hina, if nagising din kita. (lalapitan si Yanni)

YANNI: Okay lang po.

CES: What happened? Masakit ba, anak? (tiningnan nito ang mga nangigitim na pasa sa may braso ng manugang) Oh my god! Gino, what have you done to her?

GINO: (frowns) What do you mean what have I done to her?

CES: Ito! Itong mga pasang to. Yanni, anak, tell me, anong ginawa niya sayo?

YANNI: (in her mind) Yes! Pagkakataon ko na to para makabawi sayong unggoy ka. (lilingon sa asawa) Opo, Ma. Siya po yong may kasalanan nito.

GINO: What?! Anong ako?

YANNI: Wag ka ng magkaila.

Maihihilamos tuloy ni Gino ang kamay sa mukha ng di oras.

GINO: Wala akong ginawang masama. It was an accident.

CES: Anong aksidente? Paanong naaksidente?

GINO: Ganito kasi yon. (starts telling what happened)

Inis na sasabat si Yanni pagdating nung sa part na nadulas siya at nahubuan.

YANNI: Okay! Tama na!

CES: Hay! (mangingiti) Kala ko pa naman, kung ano ng ginawa ng anak ko sayo.

GINO: What? Ako pa talaga ang pinag-isipan niyo ng ganyan. Ako na anak niyo.

CES: Nabigla lang kasi ako. Akala ko kasi pinilit mo siya tas nagkasakitan kayo.

GINO: Ma, kung nagkasakitan kami, malamang ako yong uuwing pasaan at bugbog ngayon.

YANNI: Tss! Ang OA.

CES: Wag mo na lang siyang pansinin. Next time, mag-iingat ka ha.

YANNI: Opo.

CES: Anyway, welcome to your new home! (kisses Yanni on her cheeks then hugs her tight)

Mapapapikit at mapapangiwi naman ang manugang dahil sa kirot na mararamdaman.

GINO: Ma, enough. Nasasaktan na siya.

CES: Ay, oo nga pala. I'm sorry. I'm sorry.

YANNI: Okay lang po.

CES: Sige pahinga ka muna dito. Pasensya na kung naisturbo kita sa tulog mo.

YANNI: Wala po yon. Wala pong problema sa akin.

GINO: O ayan, Ma. Now that you've learned the truth, siguro naman po pwede na ulit kaming bumalik sa pamamahinga namin. (nangingiting hihiga ulit) Asawa ko, lika na tulog na ulit tayo.

CES: Hoy, hoy, hoy, ikaw, bumangon ka diyan. Leave her alone. Hayaan mo siyang makapagpahinga.

GINO: Ma, you're invading our privacy bilang mag-asawa.

CES: Khalee Ginovar, tigil-tigilan mo ko. Umayos ka. Sige na. Bumangon ka't tumayo ka na diyan.

GINO: Ma naman e...

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon