Sa loob...
ZANDRO: Anak, sino yon?
KEI: Um...wala po. Namali lang po sila ng kwartong napuntahan.
ZANDRO: A ganun ba?
KEI: A...pa, lalabas po muna ako saglit ha. Saglit lang po ako; babalik din po ako agad. May bibilhin lang po akong gamot niyo tas kakausapin ko din po yong doctor na umaasikaso sa inyo.
ZANDRO: (mangingiti) Bakit pa, e di ba ikaw yong doctor ko?
KEI: (mangingiti din) Kung pwede lang po sana e. Sige na po. Magpahinga po muna kayo diyan. Kung may kailangan kayo, pindutin niyo lang po tong call button na to.
ZANDRO: Wag mo na kong alalahanin. Kumain ka na rin. Nangangayayat ka na o. Baka mamaya, ikaw pang mapagkamalang pasyente dito.
KEI: Si Papa talaga o. May ipapabili po ba kayo?
ZANDRO: Wala. Salamat.
KEI: Sige na po, aalis na po ako kung ganun. (sabay halik sa noo ng ama)
Sa may garden mapapadpad ang tatlo.
GINO: Kumusta na ang papa mo—I mean, kumusta na si papa?
KEI: Medyo okay na siya ngayon. Pero kailangan pa rin niyang mag-stay dito for observation. Tsaka may ilang tests pa na kailangang isagawa sa kanya.
NIKKO: Ano bang nangyari sa kanya?
KEI: May sakit sa puso si papa.
NIKKO: Bakit di mo sinabi sa amin?
KEI: Nikko, alam mo naman siguro kung anong pwedeng mangyari di ba pag ginawa ko yon?
NIKKO: Kaya mas pinili mong ilihim na lang lahat at sarilinin ang problema mo kay Tito Zandro?
KEI: Nikko...
NIKKO: Kei, alam mong hindi mo to pwedeng itago forever lalo na sa pamilya mo. Eventually, malalaman at malalaman din nila ang totoo.
Hindi makakasagot ang dalaga.
GINO: Tama si Nikko. Kailangan malaman na to ng ate mo.
KEI: Kung sana ganun lang kadali, ginawa ko na noon pa.
NIKKO: Noon pa? You mean, matagal mo ng tinatago to sa kanila?
Hindi ulit makakasagot ang dalaga.
GINO: Paano kayo nagtagpo? Sabi ng ate mo, wala na daw kayong naging koneksiyon o komunikasyon o anumang naging balita about him simula nung umalis siya.
KEI: A week after ng kasal niyo, I joined a medical mission sa may Decena. May isang ale nun na nagsabi sa amin na meron daw isang...isang lalaking maysakit ang nangangailangan ng tulong namin. Wala daw kasi siyang kasama o pamilya man lang at wala ng ibang mag-aalaga pa sa kanya. And then...(di na nito naiwasan pang maiyak)
Agad na lalapitan siya ni Kiko at yayakapin siya nito.
NIKKO: Shhh...it's okay, wag ka nang umiyak.
Hahayaan muna ng dalawa ang dalaga sa pag-iyak hanggang sa mahimasmasan ito.
KEI: Awang-awa ako sa tatay ko. (malayo ang tingin nito) Nung makita ko siya nung mga oras na yon, parang nadurog yong puso ko sa sakit. (muling mapapaluha) Wala na nga akong nagawa kundi yakapin siya—walang sumbat, walang tanong-tanong, walang pag-aalinlangan.
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
DragosteSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!