Para namang batang agad na magtatatakbo papasok si Yanni. Pagdating sa loob, makakasalubong nito si Nanay Mila.
YANNI: Nay! Tulungan niyo po ako!
MILA: Bakit? Anong nangyayari?
Sasagot na sana ito nang marinig niya ang boses ng paparating na asawa na ngayo'y nakasuot na ng white robe.
GINO: Lagot ka sa akin! Halika dito!
YANNI: Ayan na siya! (mabilis na aakyat papuntang kwarto)
MILA: Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?
GINO: E kasi po nay, tinulak niya po ako sa pool.
MILA: (matatawa) Ano? Nagawa kang ihulog sa pool ng asawa mo?
GINO: Haist! Humanda siya talaga sa akin pag nahuli ko siya. Lagot siya sa akin. (susundan ang asawa sa kwarto nila)
Nangitngiting maiiling na lamang si Mila sa dalawa.
Samantala, as expected, locked ang pinto ng marating ni Gino ang kwarto nila.
GINO: Yanni, buksan mo to!
YANNI: No way! (nasa may likuran lang to ng pinto)
GINO: Isa!
YANNI: Dalawa!
GINO: Ano ba? Gusto ko ng maligo.
YANNI: E di ba nakaligo ka na? (di nito mapigilang matawa para sa asawa)
GINO: Alam mo pag ito nabuksan ko, lagot ka talaga sa akin.
YANNI: Sorry na. Ikaw kasi e.
GINO: Walang sorry, sorry. You've been bad kaya kailangan mong parusahan.
YANNI: Sorry na nga.
GINO: Buksan mo na kasi to.
YANNI: Ayoko.
GINO: Okay, promise, di na ko babawi sayo.
YANNI: Weh! Sinong niloko mo? Ikaw pa!
GINO: Yanni!
YANNI: Doon ka na lang maligo sa kabilang room total may mga damit ka naman dun di ba? Inaantok talaga ako. I wanna get some sleep. Please...?
GINO: Fine. But I'll be back at bubuksan ko to whether you like it or not.
Nang maramdaman ni Yanni na wala na doon ang asawa, aayos ito ng higa sa kama at pipikit.
Nang magising ito...
YANNI: Uy! Anong ginagawa mo dito?
Agad itong mapapabangon pagkakita sa asawa na nasa tabi niya at matamang nakatitig sa kanya.
GINO: Malamang dito ako nakatira.
YANNI: Paanong...paano ka—
Instead of an answer, itataas ni Gino ang ilang mga susi na nasa tabi.
YANNI: (mapapapikit, sa isip nito) Haist!
Mangingiti naman si Gino dahil sa histura ng asawa. Tatabi ito ng upo sa huli tsaka bubulong.
GINO: Ano...nagsisisi ka na ba sa ginawa mo?
Mapapalunok si Yanni sa narinig.
GINO: Handa ka na ba sa parusa mo?

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!