ZANDRO: Gino, anak, lapit ka nga dito saglit.
GINO: Bakit po? (kukuha ng isang upuan at pupuwesto malapit sa biyenan)
ZANDRO: Nasabi na ba sayo ni Yanni yong tungkol sa plano nilang magkapatid?
GINO: Opo. Nabanggit na nga po niya sa akin.
ZANDRO: Pasensya ka na hijo kung—
GINO: Pa, wala po yon. Naiintindihan ko po.
Patuloy lang sa pakikinig si Yanni na kasalukuyang inaayos ang ilan nilang gamit.
YANNI: (sa isip nito) Haist! Kung alam niyo lang na may kapalit yon.
ZANDRO: Nahihiya lang kasi ako sayo bilang asawa niya.
GINO: Wag niyo na pong isipin yon. Kung ako man po siguro ang nasa kalagayan nila, ganun din po yong gagawin ko.
YANNI: (in her mind) Sinungaling. Naisahan mo na nga ako e.
ZANDRO: Salamat, kung ganun. Pero, siguro naman, isa, dalawang linggo, okay na ko. Kaya pwede na siyang umuwi sa inyo nun. Kaya ko naman na siguro.
GINO: Nakapag-usap na po kami ni Yanni tungkol diyan. Ako na lang po ang bibisita sa kanya, at sa inyo dun.
ZANDRO: Salamat kung ganun. Napakaswerte talaga ng anak ko sayo.
GINO: Pareho lang po kami. Maswerte din po ako dahil napakabait na anak ang napang-asawa ko.
Yanni can't help herself but to roll her eyes.
ZANDRO: Nawa'y tuluyan pang basbasan ng Panginoon ang pagsasama niyong dalawa.
GINO: Salamat po. Siyanga po pala pa, gaya ng nasabi ko, bilisan niyo yong paggaling niyo dahil gusto ko na sa birthday ko, which is malapit na, isama po namin kayo ni Yanni sa Palawan kasama si Mama Elly. Para naman po makalanghap kayo ng sariwang hangin. Maganda po dun.
ZANDRO: Ka...kasama si...Elly?
GINO: Opo. Yon po yong isa sa mga wish ko sa birthday ko.
ZANDRO: A...e...pasensya na hijo, pero mukhang malabo yang gusto mong mangyari.
GINO: Bakit naman po?
ZANDRO: Hindi ko alam kong handa na kong makaharap si Elly. Tsaka maski siya, sigurado akong ayaw niya kong makita't makaharap. Kaya mukhang malabong matupad yang wish mo na yan.
GINO: Pero pa, kung bibigyan kayo ng pagkakataon na magkaharap muli, let's say payag na si mama na makaharap ka, haharapin mo ba siya?
ZANDRO: Sino ba naman ako para tanggihan siya?
GINO: Yon naman po pala e. I'm sure papayag si mama na makaharap ka.
ZANDRO: Kaya?
GINO: Magtiwala lang po kayo.
ZANDRO: At kung makaharap ko man siya, walang kasiguraduhan na mapapatawad niya ako sa ginawa ko.
GINO: Pa, kung ang mga anak niyo po, napatawad kayo, hindi po malayong mangyari na mapatawad din po kayo ni Mama Elly. Alam ko na mabait po siya. Magtiwala lang po tayo.
ZANDRO: Sana nga, hijo. Sana nga.
Patuloy pa sa pagkukwentuhan ang mag-biyenan nang lapitan sila ni Yanni.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
Roman d'amourSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!