YANNI: Haist! Pwede ba, tumigil ka na nga! Para kang engot diyan na kausap ang sarili. At isa pa, tigilan mo yang kakabanggit mo ng 'asa-asawa' na yan. Ang sakit sa teynga e.
GINO: Bakit? Totoo naman sinabi ko a.
Titingnan lang ni Yanni ng masama si Gino.
GIO: Okay, sige na. Titigil na ko. (murmurs) Asar-talo nga. (sabay ngiting nakakaloko)
Bubuksan na sana ng dalaga ang pinto sa likuran para doon sumakay pero bigla siyang pipigilan ni Gino.
YANNI: Ano?!
GINO: Nandiyan yong mga bag, kaya diyan ka sa harap.
YANNI: Di ba pwedeng sa compartment na lang yang mga yan?
GINO: Medyo madumi kasi yong compartment kaya diyan na lang yang mga yan.
YANNI: Ugh! (padabog na uupo sa harapan)
Iaayos muna ni Gino ang luggage ng dalaga sa likuran tsaka ito sasakay.
GINO: Hay...Lunes na Lunes, pero parang biyernes santo ang mukha. Pwede bang ngumiti ka naman diyan maski konti?
YANNI: Pwede ba, kung ayaw mo kong makitang ganito ang mukha ko, wag kang tumingin sa 'kin.
GINO: Bahala ka ka diyan, mabilis kang tatanda niyan.
YANNI: Pakialam mo.
Pagdating nila ng airport, agad silang sasalubungin ni Darren na siya munang mag-aasikaso sa kotse ni Gino.
DARREN: Pano pare, good luck na lang sa inyo ha. (pabulong) Kita-kits na lang dun.
GINO: Okay.
DARREN: Yanni, mauna na ko ha. Ingat sa biyahe.
YANNI: Sige pare. Ingat din.
DARREN: (mapapalunok sa sinabi ng dalaga, in his mind) Ano kayang magiging buhay ni Gino pag nakasal na sila? Hay...good luck to you, my friend. (iiling-iling na aalis)
After a few hours...
Bliss Resort, Palawan – SRCo's latest project.
YANNI: Wow! (her face is full of awe) This is paradise!
Agad na huhubarin ng dalaga ang suot na sapatos at medyas at ilililis ang pantalon hanggang tuhod tsaka walang anu-anong lulusong ito sa tubig dagat. Para itong batang lalaru-laruin ang buhangin sa paa pati na ang mga alon.
GINO: (ngiting-ngiting pagmamasdan si Yanni) I'm glad you like it.
Biglang mapapatigil si Yanni sa ginagawa. Babalik ito kung saan iniwan ang mga sapatos at kukunin ang mga ito.
YANNI: I'm sorry. Nakalimutan ko, trabaho pala ang ipinunta ko dito.
GINO: It's alright. You can do whatever you want. Walang pumipigil sayo. (titig na titig ito sa dalaga)
Bigla namang maco-conscious ang huli.
YANNI: (in a serious tone) I think it's better kung magstart na ko sa mga dapat kong gawin. (sabay talikod)
GINO: (sasabayan ang dalaga sa paglalakad) Take it easy. You don't need to hurry. For now, let's do something that's fun. This will surely help you get more ideas for the project. Tara! (sabay abot sa kamay ni Yanni at hihilahin ito)
![](https://img.wattpad.com/cover/1429377-288-k203890.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!