ERIN: Wala. Baka kulang lang sa tulog.
ELLY: Siguro nga. O baka dinatnan.
Pagdating ng hapon, magde-decide si Yanni na kausapin niya ng masinsinan ang tita nito na silang dalawa lang.
YANNI: Tita, nakikiusap po ako, hindi po pwedeng malaman ni mama yong nangyari kagabi. She'll be devastated. And worse, baka itakwil po ako nun.
ERIN: Pwede ba Teana, you're over-reacting. Ba't naman niya gagawin yon? E hindi mo naman yon ginusto, di ba?
YANNI: Kaya nga po. Tita, nakakahiya. Ano na lang ang iisipin niya sa akin pag nalaman niya yon?
ERIN: At ano na lang iisipin niya pag sa iba pa niya nalaman yon? Remember, Teana, hindi lang kami ng Tita Ces mo ang nakakita.
YANNI: Hindi naman po siguro sila magsasalita. It's a private thing at di dapat sila mangialam.
ERIN: Wala tayong control pagdating diyan, alam mo yan. There is still a possibility that one of them may spill the beans.
YANNI: Haist! Di ba pwedeng kalimutan na lang natin yong nangyari? Or secret na lang po natin yon. And I'm sure naman walang magsasalita sa mga nakakita since nakiusap sa kanila si Tita Ces. At...at kung may madulas man, e di i-deny natin. Ganun lang.
ERIN: Kung sana ganyan lang kadali ang lahat.
YANNI: Pero Tita, it was all a mistake. Wala po akong ginawang masama, kaya di na to dapat malaman ni mama o kaya ni Kei.
ERIN: Wala kang ginawang masama. So anong inaalala mo? If ever, hindi ikaw yong malalagot.
YANNI: Tita, hindi niyo kasi maintindihan kasi hindi kayo yong...(biglang itong mapapatigil)
ERIN: Teana, ikaw tong naagrabyado. At hindi lang basta-basta yong nangyari. It's a serious matter lalo na't marami ang involved, maraming nakakita. And I know, hindi papayag ang Tita Ces mo na manahimik na lang din sila. Pupunta at pupunta yon dito para mag-apologize.
YANNI: E di pigilan niyo. Sabihin niyo, okay na. Kalimutan na lang natin lahat.
ERIN: Teana, hindi ganyan ang Tita Ces mo.
YANNI: Tita, nakikiusap po ako. Hangga't kaya pang itago, wag niyo munang sasabihin kina mama. We'll just face it pag nagkaalaman na. Hangga't walang nagsasalita, hindi nila malalaman yon. At hangga't di nila nalalaman, walang magiging problema.
ERIN: I don't know...I'm not sure if that's the right thing to do. Parang hindi naman ata maganda na palagpasin ko yong nangyari. Parang di kaya ng konsensya ko. Ano na lang sasabihin ng mama mo sa akin once na nalaman niya? Siguradong sa akin siya magagalit ng husto 'cause I was the one responsible for you last night...dahil ako ang nagdala sayo dun. Kung di dahil sa akin—
YANNI: Tita, I'm not blaming you, okay. Kung meron mang dapat na sisihin, yon ay yong walanghiyang unggoy na yon. Kung di lang talaga kasalanang pumatay, matagal ng pinaglalamayan ang hayop na yon.
ERIN: Teana!
YANNI: Sorry po. Nakakapanggigil lang po kasi e. Wag na wag lang talagang magpapakita sa akin yon, kung ayaw niyang malintikan.
ERIN: Let's see kung anong mangyayari. Kakausapin ko din ang Tita Ces mo tungkol dito.
YANNI: Please, Tita, convince her na wag na lang po siyang mag-sorry or pumunta dito or ipaalam kay mama ang lahat. Please...

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!