41 - Wary

17.2K 71 9
                                    

Hanggang sa trabaho, lutang pa rin si Yanni dahil sa nangyari. At hindi na naman ito makakaligtas sa mga mata ni Nikko.

NIKKO: May sakit ka ba? (feels her forehead)

Sa tagal na nilang magkasama bilang magkaibigan, alam at ramdam ni Nikko na may pinagdaraanan ngayon ang kaibigan. Kung ano man yon, ayaw niya itong pilitin na sabihin sa kanya.

YANNI: Ba't mo naman nasabi yan?

NIKKO: Wala lang. Para kasing wala ka sa sarili mo e.

YANNI: Wag mo na lang kasi akong pansinin.

NIKKO: Sabagay maski ako, tinatamad akong pumasok ngayon kahit alam kong half day lang tayo. Inisip ko na lang, Monday na bukas at tuluy na tuloy na ang Bliss adventure natin.

YANNI: Tss!

NIKKO: By the way, this Friday pwede ka ba? Alam mo na, same old thing.

YANNI: Titingnan ko muna kung kakayanin.

NIKKO: Ano ka ba? Bigyan mo naman ng time yang sarili mo. Hindi yong puro trabaho ka na lang diyan. Give yourself a break, man. Binata tayo e. Tsaka celebration na rin yon if ever coz I know magiging super successful ang Bliss project.

YANNI: Saan ba?

NIKKO: Naks! Yan ang gusto ko sayo e. Yong hindi na pinipilit, go lang ng go.

YANNI: Saan nga kasi?

NIKKO: Si Joseph daw ang bahala sa place.

YANNI: Si Joseph?

NIKKO: Oo. Don't tell me nakalimutan mo na siya.

YANNI: Of course not.

NIKKO: Sabi niya di ka daw pwedeng mawala, bawal daw umabsent kasi absent ka na last time. Kailangan complete ang barkada. At sabi pa niya na nagpromise ka daw sa kanya na pupunta ka.

Hindi makakasagot si Yanni. Si Gino agad ang maiisip nito.

NIKKO: So...?

YANNI: Okay.

Naisip niya okay na rin na sumama siya para di makahalata ang mga kasamahan at para makalimutan niya kahit papaano lahat ng gumugulo sa utak niya.

YANNI: Basta hanggang 8 lang ako.

NIKKO: What?! Kelan pa nagkaroon ng curfew sa inyo?

YANNI: I'm serious.

NIKKO: Teka, don't tell me, dahil na naman yan sa Tita Erin mo?

YANNI: Sino pa nga ba?

NIKKO: Haist! Alam mo, pasensya na pero di ko alam kung matutuwa ako sa Tita mo or maiinis sa kanya. Feeling ko kasi kontrabida siya sa buhay mo e.

YANNI: Nikko...

NIKKO: Joke lang. Iisipin ko na lang na ganun ka kamahal ng Tita mo at ganun siya ka-caring at ka-concern sayo.

YANNI: Loko ka talaga. Hindi lang naman sa akin e. Pati na rin si Kei ganyan din siya. Siyempre, mga baba— (bigla itong matitigilan)

NIKKO: (bahagyang matatawa) Oo na, oo na. Naiintindihan ko po. No need for further explanation. So, it's a date then. Deal?

YANNI: Deal!

Pagkaalis ni Nikko, tutunog naman ang phone ni Yanni.

YANNI: (in a soft voice) O, bakit?

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon