18 - New Family Member

18.1K 61 4
                                    

Pagdating ng hapon, habang nag-iimpake ang mag-iina...

ELLY: Saan ba talaga kayo galing kanina ni Gino, ba't late kayo nung lunch time?

KEI: Ma, saan pa nga ba? E di nag-date sila.

YANNI: Alam mo, ikaw, gusto mo bang buo pa ang bilang ng buhok mo pagbalik sa atin?

KEI: (pang-asar ang ngiti) Nag-react agad? Meaning totoo.

YANNI: Isa!

KEI: Wag pikon, wag ganun.

YANNI: Dalawa!

KEI: Tatlo!

YANNI: (biglang tatayo) Alam mo ikaw—

KEI: (agad na lalapit sa ina yayakap dito) Ma, o...

ELLY: Hay naku...tumigil na nga kayong dalawa. Hanggang dito ba naman? (patuloy pa rin ito sa pagliligpit) Ikaw, Yanni, wag mo na kasing patulan tong kapatid mo. May asawa ka na, okay?

KEI: Oo nga. (sticks out her tongue)

ELLY: At ikaw naman Kei, tigilan mo na yang ate mo. May asawa na yan.

YANNI: Ma! Kailangan ba talagang ulit-ulitin na may asawa na ko?

ELLY: Sinasabi ko lang. Tsaka totoo naman di ba?

Mapapansin ni Elly na di suot ng anak ang wedding ring nito.

ELLY: Teka, nasaan ang singsing mo? Ba't di mo suot?

YANNI: Suot ko po. Nakatago lang.

ELLY: Ha? Anong nakatago? Saan?

YANNI: (ilalabas ang kwentas na suot) Dito.

ELLY: Ba't ganyan?

YANNI: Ma, pag sinuot ko to sa daliri ko, siguradong bombarded ako ng mga kasamahan ko sa opisina ng sangkatutak na tanong.

ELLY: Sabagay. Teka, alam ba yan ni Gino?

YANNI: Paanong di niya malalaman, e siyang nagbigay nito.

KEI: Wow! Ang sweet naman pala ni bayaw. At in fairness, ang ganda niya ha! Patingin nga. (lalapit kay Yanni)

YANNI: Wag na. (sabay iwas)

KEI: Sige na. May iche-check lang ako saglit.

YANNI: Ano na naman?

KEI: Basta. (titingnan ang lock ng nasabing kwentas at kikilatisin ito) O-M-G! Wow lang...as in wow!

ELLY & YANNI: O, bakit?

KEI: Alam niyo ba kung magkano to?

YANNI: Alahera ba kami para malaman namin? Haist! Anong klaseng tanong yan?

KEI: Ito naman. Ang sungit talaga. Ikaw, Ma, di ka ba curious kung magkano to?

ELLY: Hay naku, Kei, tumigil ka na. Kung magkano man yan, wala na tayo dun. Basta ang mahalaga, galing yan sa asawa ng ate mo.

KEI: Well, gusto ko lang naman kasing malaman niyo na hindi basta-basta ang halaga ng kwentas na to idagdag pa tong singsing.

Yanni suddenly gets interested.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon