28 - Callers

18.1K 77 9
                                        

YANNI: Haist! (inis na pupunasana ng mga labi)

GINO: (tutunguhin ang pinto) Excited na ko for tomorrow night. Sana ikaw din.

YANNI: (kukunin ang maliit na unan sa tabi at ibabato sa asawa) Umalis ka na! (gigil na gigil ito dahil sa inis)

GINO: As you wish. (pang-asar ang mga ngiti nitong bubuksan ang pinto at lalabas)

Pagkaalis ni Gino, dahan-dahan itong tatayo at tutunguhin ang pinto para i-lock.

YANNI: (sa isip nito) Ano ng mangyayari sa amin pag magkasama na kami sa iisang kwarto? Baka mabaliw lang ako sa kunsumisyon sa unggoy na yon. He's got all the chances pag nagkataon at wala akong kalaban-laban. Kaya di pwedeng mangyari ang gusto nila. Kailangan kong makaisip ng paraan; I need to do something. Pero ano?

Babalik ito ng upo sa couch and starts to ponder. Ilang saglit pa, magri-ring ang phone nito. Lalabas ito sa may balcony ng kwarto at mauupo sa upuang naroon.

YANNI: Hello? Niks, napatawag ka.

NIKKO: Uy, anong nangyari? Kanina pa ko tumatawag sayo pero di mo sinasagot.

YANNI: Pasensya na naka-silent kasi. Bakit, anong meron?

NIKKO: Wala naman. Aayain sana kitang lumabas e wala ka nga so si Joseph na lang ang tinawagan ko. Sabi niya wala ka na raw doon sa apartment.

YANNI: A...yes. Pasensya na kung di ko nasabi sayo ha. Biglaan kasi e.

NIKKO: Hulaan ko, dahil kay Tita Elly yan no?

YANNI: Silang dalawa ni Tita Erin, actually.

NIKKO: Sabi ko na nga ba e. Di pa rin talaga uubra yang katigasan ng ulo mo sa Tita mo, no?

YANNI: Yon na nga e, di ako nakalusot. (sa isip nito) Idagdag mo pa yong unggoy na Gino na yon—ultimate panira sa mga plano ko.

NIKKO: Teka, asaan ka ngayon?

YANNI: Di...dito sa bahay. Bakit?

NIKKO: Huh? Dumaan ako diyan kanina a pero parang wala namang tao.

YANNI: A...hindi nandito lang ako. Sila Mama at Tita lang ang wala.

NIKKO: Sure? Nakailang doorbell kaya ako.

YANNI: A...ano kasi...nakatulog kasi ako. Um...in-off ko muna siya para walang disturbo. Alam mo na...medyo napagod kasi ako. Actually, nagising na ko nung dumating na sila Mama e. Tas naka-silent pa tong phone ko kanina kaya di ko napansin yong mga tawag mo. Pasensya na ha. (sa isip nito) At pasensya na rin sa pagsisinungaling. Haist! Kasalanan mo tong Gino ka. Ngayon, kailangan kung magsinungaling pati sa kaibigan ko.

NIKKO: Ayan kasi. Kung sana sinabihan mo ko, e di natulungan pa kita.

YANNI: Okay lang. Konti lang naman mga gamit ko.

NIKKO: Maski na. Di sana di ka na masyadong napagod. Sana magkakasama tayo tas may manlilibre sa akin.

YANNI: Ah ganun? Kaya pala. Yon lang pala ang habol mo.

NIKKO: Siyempre, pagkatapos kitang tulungan, for sure maaawa ka sa akin kasi mapapagod ako.

YANNI: Utot mo! Asa ka pa.

Matatawa lang si Nikko sa sinabi ng kaibigan.

YANNI: O, sige na. Inaantok na kasi ako e. Kita na lang tayo sa Monday, okay?

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon