Pagkalabas ni Yanni, magugulat na lamang ito dahil sa mga pagkaing nakalapag sa maliit na center table sa room. She's sure wala pa ito kanina.
YANNI: Ano to?
GINO: Food.
YANNI: (maiinis) Hindi ako bulag. Ba't andito tong mga to? Akala ko ba sa baba?
GINO: I changed my mind. Dito na lang tayo kumain.
YANNI: Tayo?
GINO: Oo, tayo. Ikaw at ako...tayo. Kaya tara na. Chow!
Wala na ring magagawa si Yanni kahit gusto na nitong sipain palabas ang asawa. Gutom na gutom na rin ito. Habang kumakain, di nito maiwasang mapasulyap paminsan-minsan kay Gino or mapaisip sa mga ginagawa nito para sa kanya. He's been so kind to her, caring, concerned sa mga bagay na may kinalaman sa kanya. And palagi na lamang may handang surprises ito para sa kanya.
GINO: (mahuhuling nakatitig sa kanya si Yanni) May problema ba?
YANNI: (mag-iiwas ng tingin) Wala. May naisip lang ako.
GINO: Ba't mo pa ko iniisip e kasama mo na nga ako.
Masamang tingin lang ang makukuha nito kay Yanni.
GINO: Joke lang. Wag ka munang masyadong mag-isip. Concentrate ka muna sa pagkain, okay? Ubusin mo yan para di ka gutumin agad. Nasabihan ko na rin si manang na ipaghanda ka ng baon para kung sakaling magutom ka earlier before lunch, meron kang makain.
Biglang mapapatigil sa pagsubo si Yanni dahil sa narinig, Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa asawa or paano siya magrereact.
YANNI: (mapapatitig ulit kay Gino, in her mind) Bakit mo to ginagawa? Anong gusto mong mangyari?
Alam nito na alam ni Gino na maski siya mismo di sigurado kung kaya ba niyang suklian lahat ng kabutihan nito sa kanya. And she feels guilty about it.
GINO: Hey, what's wrong? Are you okay?
YANNI: Huh? (mahihiyang mag-iiwas ulit ng tingin) Yes, I'm...I'm okay. Salamat sa...salamat sa pabaon. You didn't have to do it.
GINO: De nada. Basta para sayo.
YANNI: Tss!
Aagahan ni Yanni ang pagpasok sa opisina para di ito masita uli ni Nikko or ng iba pa niyang katrabaho. Sa may labasan pa rin ito bababa ng kotse. After more than an hour, darating ang isang delivery boy dala-dala ang isang malaking bouquet. Lalo itong magtataka dahil siya ang hahanapin ng nasabing lalaki. Tuloy, lahat ng tingin nasa kanya.
YANNI: Teka, sigurado ka ba na para sa akin to?
LALAKI: Kung kayo nga po si Ms. Teana Romano, para sa inyo nga po to.
YANNI: (babasahin ang nakasulat sa card) Have a great day. Eh? Walang pangalan? Teka, alam mo ba kung sinong nagpabigay...kung kanino galing to?
LALAKI: (mapapakamot sa ulo) Pasensya na po pero, di ko po alam e. Nautusan lang po kasi ako na dalhin yan sa inyo. Sige po, mauna na po ako.
YANNI: Sige...salamat.
Pagkaalis ng lalaki, agad na magsisilapitan ang ilan sa kanyang mga kasama.
CHARM: Wow! Ang ganda naman at bongga ha!
LAHAT: Oo nga.
CAROL: Kanino galing?
YANNI: Ewan ko, walang nakalagay e. Tas di daw alam nung nagdeliver kung sino ang sender. (mapapaisip) Teka, sa inyo ba galing to?

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!