65 - Hubby, Bestie and Selfie

10.9K 76 15
                                    

Sa mansion...

Madadatnan ni Gino ang asawa na tulog, hawak-hawak nito ang cellphone.

GINO: I'm sorry baby, I forgot to give you a ring. (dahan-dahan nitong lalapitan ang asawa at hahalikan sa noo)

Saktong kukunin na niya ang naturang unit sa kamay ni Yanni nang tumunog ito. Kukunin niya ito at lalayo ng konti sa huli.

GINO: Hello, Nik-Nik?

NIKKO: Nik-Nik?

GINO: E itong naka-register sa phone ni Yanni. Nikko-Nik-Nik

NIKKO: Pambihira talaga yang asawa mo. Anyway, asan siya?

GINO: Tulog.

NIKKO: Pakisabi naman sa kanya na pasensya na kung di ko nasagot yong mga tawag niya kanina. Naiwan ko kasi tong phone ko sa kotse.

GINO: (marahang matatawa) Pareho lang tayo, bro.

NIKKO: Hay...lagot tayo nito sa kanya.

GINO: Mas lagot ako pag nagising to. At least ikaw wala ka dito.

NIKKO: Suyuin mo na lang.

GINO: Yon na nga siguro ang gagawin ko.

NIKKO: Sige, tol. Good luck na lang sa'yo.

GINO: Sige. Salamat sa pagtawag. Sasabihan ko na lang siya.

After ending the conversation, uupo ito sa kama, sa tabi ng asawa pasandal sa headboard.

GINO: Nikko-Nik-Nik. What a name! (mapapalingon ito sa asawa at mangingiti) Grabe talaga kayong mag-asaran.

Then maaalala nito ang wacky post ng magkaibigan sa screen. Ayaw man niyang aminin pero ramdam niya ang konting inggit kay Nikko.

GINO: Nikko-Nik-Nik...from Nikko. Ako kaya, ano kaya ang akin? Gino-Gin-Gin? Ampangit naman. (somewhat he becomes curious and excited)

He takes a glance of his sleeping wife first then he switches the phone on.

GINO: Yes, walang passcode! (starts browsing the list from her contacts)

Matatawa ito sa ilang mga pangalang naroon, which are really hilarious.

GINO: Teka, asan ako dito? A...alam ko na. (ilalabas nito ang sariling phone then dials Yanni's number)

Agad na mawawala ang kasiyahan sa mukha nito ng makita ang caller's name sa screen.

GINO: What? King Kong Pangit? Ako, dambuhalang unggoy? At pangit pa. (inis na mapapatingin ulit ito sa asawa) Haist!

Mas lalo itong maiinis nang makita ang picture na assigned sa kanya: a funny close-up shot of a gorilla.

GINO: Haist! Talaga naman. Humanda ka sa akin ngayon. King Kong pangit pala ha.

Then he starts editing every single detail under his name.

GINO: (starts keying in) 'Baby Ko'. (then he lays down beside her and gets the phone camera ready)

He takes series of pictures of them as he kisses her on the forehead, cheek, corner of her lips, and lips. Afterwards, tuwang-tuwa itong buburahin ang naunang assigned photo at papalitan ng kuha nilang dalawa. Pati wallpaper, hindi rin pinatawad. And still, he won't be contended. He'll take another set of pictures wherein they're both facing each other, too close, their nose and lips are already touching, eyes closed.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon