44 - Clash

17.1K 55 9
                                    

An hour passes by. Habang nasa daan pauwi...

YANNI: Oh my god, it's almost ten.

JOSEPH: Don't worry malapit na tayo sa inyo.

Gusto na sana ni Yanni na mauna sa kanila kaso hindi siya pinayagan ng mga kasama niya kaya wala na rin itong nagawa kundi pagbigyan ang mga ito. She stayed with them hanggang sa magkayayaan ng umuwi. Joseph insisted na sumabay na lamang ito sa kanya at ihatid siya kesa sumakay ito sa motor ni Nikko at sinuportahan naman ito ng huli. Bubuntutan na lamang ng kaibigan ang dalawa sa daan.

Pagkarating sa bahay nila, agad na bababa si Yanni. Makakalimutan nitong kunin ang kanyang envelop sa likuran ng kotse.

YANNI: Salamat.

JOSEPH: Basta ikaw, walang problema. Sige, alis na ko.

YANNI: Ingat.

NIKKO: Ingat, pare. (nakatapat ito sa kotse ni Joseph)

JOSEPH: Sige.

Pagkaalis ng binata...

NIKKO: Hoy, ba't ganyan ang mukha mo?

YANNI: Bakit?

NIKKO: Para kang natatakot na nag-aalalang ewan.

YANNI: Ha?

NIKKO: Relax ka lang. I'm sure di ka pagagalitan ni Tita or if ever man, slight lang.

YANNI: Psh! Baliw! (sa isip nito) Hindi naman si mama ang inaalala ko kundi si Gino.

NIKKO: O, sige na, pasok na.

YANNI: Sige.

Pagkapasok sa bahay...

ELLY: Diyos ko, Yanni, ano na naman ba tong pinasok mo? (mapapatapik ito sa noo) Kanina pa naghihintay at alalang-alala sayo yong asawa mo.

YANNI: Ma, please...tama na okay? I admit naman na kasalanan ko e. Wag mo ng dagdagan pa, please?

ELLY: Anong balak mo ngayon? Hindi mo lang ba siya tatawagan?

YANNI: Hindi na po. Baka tulog na po yon. Tsaka, I know, masama ang loob nun sa akin. I don't think kakausapin niya ko.

ELLY: Ikaw naman kasi anak—

YANNI: Ma...

ELLY: Okay. Hindi ka man lang ba magsasabi dun na nandito ka na at di ka makakauwi?

YANNI: Uuwi po ako.

ELLY: Ano? Gabing-gabi na.

YANNI: Ma, mas lalo lang akong magi-guilty pag di pa ako umuwi. Di ako nagpaalam sa kanya.

ELLY: Okay. Ihatid na lang kita kung ganun.

YANNI: Wag na po. Magtataxi na lang po ako.

ELLY: Susmaryaosep kang bata ka. Anong oras na kaya!

YANNI: Marami pa namang taxi diyan e. Tsaka mabilis na lang ang biyahe ngayon. Baka wala pang twenty minutes nandun na ko.

ELLY: Hindi. Ihahatid ka na lang namin ng kapatid mo.

YANNI: Sigurado po kayo?

ELLY: Mas mapapalagay ako kung ako mismo ang maghahatid sayo dun.

YANNI: Thanks, ma. (sabay yakap sa ina)

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon