NIKKO: Sigurado kayo Sir?
GINO: (mangingiti) Of course.
NIKKO: Hindi pa ba kayo babalik sa opisina niyo?
YANNI: (makahulugan ang mga tingin nito sa asawa, in her mind) Bumalik ka na sa opisina niyo or better yet, umuwi ka na.
GINO: May dadaanan pa kasi ako. And since malapit lang naman siya dito, I'll go get lunch first.
YANNI: (pigil ang inis) Haist!
NIKKO: Um...Sir, ano po kasi, baka po...baka po hindi po kayo sanay sa...
GINO: (mangingiti) Sinong nagsabi? Pwede akong kumain kahit saan at pwede kong kainin kahit ano basta edible.
NIKKO: Ah...(tatango-tango) okay po kung ganun. Wala pong problema.
Si Nikko naman ang panlalakihan ng mata ni Yanni.
GINO: But wait, baka naman hindi payag si Yanni na sumama ako.
YANNI: (mapapakunot sa tinuran ng asawa, in her mind) Aba't—anong gustong palabasin nito? Umuwi ka na kasi!
NIKKO: Bakit naman hindi? Of course, payag siya, di ba? (sabay lingon kay Yanni)
YANNI: Oo naman. Bakit naman hindi? (sabay irap sa asawa)
GINO: That's great! Thank you. So...tara? (sabay ngisi na lalo namang ikakainis ni Yanni)
YANNI: (sa isip nito) Huh! Akala mo makakaisa ka ngayon sa pambubwisit mo. Tss! My turn now. (kay Nikko) Hay...Tom Jones na Tom Jones na 'ko. (sabay akbay sa kaibigan) Tara!
Pagkatalikod ng magkaibigan, aakbay na rin si Nikko kay Yanni dahilan para lalong maasar si Gino. Pasimpleng liingon naman sa likod si Yanni sabay ngiting nakakaloko.
GINO: (masama ang tingin sa asawa, sa isip nito) Mamaya ka sa akin.
Sabay na lalabas ang tatlo. Isang di kalakihang restaurant ang kanilang papasukan. Magkatabing uupo ang dalawa opposite Gino. Pagkabigay ng menu, tuwang-tuwang pipili agad ng makakain ang dalawa. Para mas lalong buwisitin ang asawa, makikitingin si Yanni sa hawak na menu ni Nikko kahit may sarili naman ito.
YANNI: Ito, gusto ko to. (sabay turo)
NIKKO: Ito din, masarap din to.
YANNI: Sige, samahan mo pa nito, tsaka nito.
Tila out of place si Gino na tahimik lang na bubuklatin ang menu at inis na mapapasulyap every now and then sa dalawa lalo na kay Yanni.
YANNI: Hindi pa NATIN to nata-try. Try NATIN, gusto mo? (sabay turo sa isang dish) Tsaka pati na tong—
Biglang mapapatigil si Yanni dahil sa pagkalabit sa kanya ni Nikko at pasimpleng ingunguso ang nasa harapan na ngayo'y seryosong bina-browse ang menu.
YANNI: (mouths) Buti nga sa kanya (makes face) Sumama-sama pa kasi.
NIKKO: (pabulong) Shhh...ikaw talaga. (kay Gino) A..e...Sir, nakapili ka na ba?
GINO: (mangingiti, pilit na itatago ang inis) Hindi pa nga e, could you suggest something for me?
NIKKO: Sure!
Habang nakatuon ang tingin ni Nikko sa menu, sasamantalahin naman ni Gino ang pagkakataon para pandilatan si Yanni.
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomantizmSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!