Hindi agad makakaimik si Yanni sa narinig. Mapapatingala lang ito sa asawa.
GINO: O, anong klaseng hitsura yan?
YANNI: Sigurado ka ba na yon ang gusto mo?
GINO: Oo naman. Bakit may masama ba?
YANNI: Wala naman pero...parang...
GINO: Parang imposible, ganun?
YANNI: Gino, alam mo naman yong sitwasyon di ba?
GINO: Oo naman. But I still believe, that soon, magiging okay din lahat between them. Bakit, ikaw ba ni minsan di mo naisip or nahiling yon?
YANNI: Kung alam mo lang kung gaano ko gustong makita sila ulit na magkasama.
GINO: Yon naman pala e. Don't you think it's time?
YANNI: For what?
GINO: It's time for us na kumilos para sa reconciliation ng parents mo at reunion niyong magpapamilya. It's time na magkita na sila. Hindi man sila magkabalikan, at least andun yong kapatawaran, di ba?
YANNI: Actually, naisip na rin namin yan ni Kei. How we wish na magkausap na sila. Ayoko rin namang habambuhay na lang na kikimkimin ni mama yong galit niya kay papa. Sa tingin mo ba magiging okay lahat sa kanila?
GINO: Oo naman. Kung kayo ngang mga anak, nagawa niyong patawarin ang tatay niyo. Napakabuting tao ng mama mo, Yanni. Sa kanya nga kayo nagmana di ba? Kaya sigurado ako na magiging maayos lahat.
YANNI: Sana nga.
GINO: Siyanga pala, baby, sa birthday ko, gusto ko sa Bliss ang celebration. Gusto kong isama natin si papa dun. Pati na si Kei tsaka si Nikko and siyempre si mama.
YANNI: Ha? Pano kaya yon?
GINO: Kaya nga, hindi yon mangyayari hangga't di pa naaayos yong tungkol sa kanila.
YANNI: So, anong gusto mong gawin ko? Sabihin ko na kay mama yong tungkol kay papa?
GINO: For me, it's the best thing to do. And don't you think it's already time na magkaharap na sila?
YANNI: Kaya? Parang ang hirap naman ata nun.
GINO: Ano ka ba? I'll back you up. At hindi lang naman ikaw ang gagawa. Kayong dalawa ng kapatid mo. And since nabanggit na rin ni papa na he's already ready and prepared na makaharap si mama, I think wala na tayong ibang aalalahanin pa kundi si mama.
YANNI: Ewan ko...
GINO: Yanni, talagang di natin malalaman kung hindi natin susubukan. Why don't we give it a try? At least, kung magalit man siya, naging open and honest naman kayong dalawa ng kapatid mo di ba? Tsaka wag ka kasing negative agad. Everything will be fine; I'm telling you.
YANNI: Okay, kakausapin ko muna si papa tsaka si Kei. Mag-uusap muna kaming tatlo about it.
GINO: Okay, sabihan mo lang ako kung ano maitutulong ko.
YANNI: Teka, what if birthday mo na tas di pa rin sila nagkakaayos?
GINO: Hay naku, kasasabi ko lang di ba? Wag nega okay.
YANNI: Hindi...sinasabi ko lang yong pwedeng mangyari.
GINO: Pag nangyari yon, isasama ko pa rin silang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomansaSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!