86 - Adieu

5.4K 61 10
                                        

NIKKO: Wag ka ng umiyak. Pwede pa rin naman tayong magkita di ba?

CHONA: Yon ay kung di siya ipagdadamot ng asawa niya.

NIKKO: Mabait yon. Kaya wala tayong problema dun.

CHARM: Ano ba kayo? Di niyo ba naisip na it's time for them naman na mag-focus sa family nila? For now, wag muna natin silang guluhing mag-asawa.

MONIKA: Sabagay, may point ka diyan, Charmy. It's time for them na bumuo ng mga aanakin natin, davah?

OLGA: Korek! Go for the gold! Bring home the bacon!

LAHAT: Yes!

YANNI: (face burns up) Ee...ano ba kayo?

Tawanan ang lahat.

OLGA: Echos lang, ito naman. Ang ibig kong sabihin, mag-concentrate ka muna sa pagiging dakilang misis kay mister. Pero siyempre wag kalilimutan sa to-do list yong mga magiging inaanak namin.

REGGIE: I strongly agree!

YANNI: Hay naku, ewan ko sa inyo.

NIKKO: Sana talaga Yantot, hindi ako mapahiya sa kanilang lahat na ako ang aako sa posisyong iiwan mo.

YANNI: Ano ka ba? Yakang-yaka mo yan. Ikaw pa! Tsaka kung may kailangan ka o kahit sinuman sa inyo, pwede pa rin naman kayong lumapit sa akin. Di naman ako aalis ng Pinas para maging out of reach.

REGGIE: Promise mo yan ha.

YANNI: Siyempre naman boss, kayo pa, e malakas kayo sa akin.

REGGIE: Yay! O sige na, magpalit ka muna dun. (sabay nguso sa direction papuntang CR) Nilalamig ka na e.

Pagkapasok nito sa naturang lugar, bigla itong mapapapitlag nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

YANNI: Oh my God!

GINO: Hi, baby! (sabay halik sa pisngi ng asawa)

YANNI: Anong ginagawa mo dito?

GINO: (ngiting-ngiti) Part ako ng surprise, bakit?

YANNI: Nakakainis kayo. Bitiwan mo nga ako, baka mabasa ka din.

Bibitiwan naman siya ng asawa.

GINO: Okay, sige na magpalit ka muna.

YANNI: Teka, kanina ka pa ba dito?

GINO: Medyo.

YANNI: What? Puro talaga kayo kalokohan.

GINO: Hindi naman ako nag-stay dito sa loob. Diyan lang ako kanina sa labas pasilip-silip sa inyo.

YANNI: Ay ewan. O, sige na. Shoo!

GINO: Tulungan na kita.

YANNI: Baliw! Doon ka na nga sa labas.

GINO: Sus, nahiya pa talaga.

YANNI: Labas na. (sabay tulak sa asawa)

GINO: Oo na po.

Ilang saglit pa...

GINO: (kakatok) Hey! What's taking you so long? Naghihintay na silang lahat dun.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon