11 - The Client

19.5K 71 7
                                    

ERIN: Hija, sigurado ka ba diyan?

YANNI: Para sayo...kung ito ang makabubuti sa lahat.

ERIN: Pag-isipan mo munang mabuti. I know this is crucial, but you still have the last say. Next month, babalik ako ng America para kausapin ang board.

YANNI: I made up my mind. I'll do it.

ERIN: Kung ganun, before we go back to States, kailangang makasal na kayo.

YANNI: Po? Paano po yong preparation? Konti na lang po yong time.

ERIN: Wala tayong magiging problema. May kamag-anak sila Ces na judge at siya ang magkakasal sa inyo. Kaya one of these days, kakailanganin ka nila para sa ilang requirements bago kayo makasal.

YANNI: (marahang tatango) Okay.

ERIN: Thank you so much. Tatanawin kong malaking utang na loob to sayo. (sabay yakap kay Yanni)

At walang kaalam-alam ang dalaga sa pagngiti ni Erin—ang ngiti ng tagumpay.

That night, hindi halos makakatulog si Yanni. The next day di rin ito nakapasok sa trabaho.

Tuesday morning...

NIKKO: Wow! Ano yan, pauso?

Nangingitim ang ilalim ng mga mata ng dalaga so she decided to wear a pair of shades.

YANNI: Gusto mo pati ikaw magsuot nito para matakpan yong magiging black eye mo?

NIKKO: Ito naman, di na mabiro. Ke aga-aga... Bat ka pala absent kahapon?

YANNI: Nilagnat kasi ako.

NIKKO: Nilagnat? Na naman? Isang araw lang? Nagpacheck-up ka naman ba sa doctor? Ba't di mo sinabi sa akin? Di ka man lang tumawag.

YANNI: Alam mo, kung di ka titigil sa kadadada, baka bumalik yong lagnat ko, magdeliryo ako dito, at magdilim ang paningin ko, at makalimutan kong tao ka.

NIKKO: Grabe naman to.

By then biglang tatahimik ang lahat dahil sa paparating na si Regie kasama ang isang guwapong lalaki.

REGIE: Everybody, I want you to meet the Chairman and CEO of SRCo, Mr. Khalee Ginovar Saravia.

Kasama rin ni Gino ang secretary nito na si Oliver.

Agad na magsisitayuan at magpapalakpakan naman ang lahat, maliban kina Yanni at Nikko. Halos magdugtong ang mga kilay ng dalaga samantalang pasimpleng lalayo naman si Nikko at babalik sa cubicle nito.

YANNI: At saan ka pupunta? (sabay higit sa may kwelyo ng kaibigan)

NIKKO: A...e...baka makita tayo dito nila boss na nagtsitsismisan, malagot pa tayo.

YANNI: Talaga? Yon lang ba o dahil umiiwas ka?

NIKKO: Yanni... (he seems scared)

YANNI: Bakit di mo sinabi sa akin? (sabay pingot kay Nikko)

NIKKO: Aray! Yanni...

Huhubarin ng dalaga ang suot na shades at titingnan ng masama si Nikko.

NIKKO: Uy, ba't ganyan ka makatingin?

YANNI: Nagtanong ka pa? Bakit di mo sinabi sa akin na ang unggoy na yan ang may-ari ng SRCo? Di ba, pina-search ko siya sa yo dati para dun sa plano nating i-setup siya? Ibig sabihin, di mo ginawa.

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon