54 - "Bistado"

14K 99 42
                                        

GINO: Um...so far...wala naman.

YANNI: Promise?

GINO: (simpers) Ba't ayaw mong maniwala ngayon?

YANNI: Naniniguro lang ako.

GINO: So, sa sinabi mong yan, para mo na ring sinabi na nagiging talkative ka in a very honest way pag nalalasing ka.

YANNI: Hindi no. Madaldal lang ako pag nalalasing at kung anu-ano na lang yong pinagsasabi ko.

GINO: Okay, sinabi mo e.

YANNI: So, wala talaga?

GINO: Haist! Wala nga, ang kulit.

YANNI: That's good then. (but her instinct tells her he's not telling the truth) Teka nga, ba't ka ba nakikisiksik dito? Bumalik ka na nga dun.

GINO: Bakit ba? E sa gusto kong maupo dito.

Titingnan lang siya ng masama ni Yanni.

GINO: Kiss muna.

YANNI: Gusto mong masaktan?

GINO: Ito naman. Kiss lang ang hinihingi, ayaw pang ibigay.

YANNI: Dahil sa ginawa mo kagabi, wala ka ng mahihitang kiss sa akin. Tandaan mo yan. (sabay tayo at lipat sa kama)

GINO: Tss! (murmurs) As if naman aware ka pa rin pag tulog ka na.

YANNI: Anong sabi mo?

GINO: Ang sabi ko ba't ka kasi naglasing kagabi?

YANNI: Ewan ko.

GINO: Anong ewan mo?

YANNI: Siguro, overwhelmed lang ako kasi okay na kaming lahat. Tsaka na-miss ko din kasi company nilang lahat. Teka, paano mo pala nalaman yong place?

GINO: Tinawagan kita, kasi nga anong oras na, di ka pa rin tumatawag sa akin. I was worried. Tas yon, iba yong sumagot. Charm daw.

YANNI: Pasensya na kung di na ko nakatawag sayo.

GINO: Okay lang yon. Pero wag mo ng uulitin yon. Lalong-lalo na pag hindi ako ang kasama mo. (murmurs) Baka kung sinu-sino na lang ang halikan mo pag nagkataon.

YANNI: Ano?

GINO: I said, what happened last night was a blessing in disguise.

YANNI: (salubong na naman ang kilay) Anong blessing in disguise? Sabi ko na nga ba e. May ginawa kang kalokohan sa akin kagabi e.

GINO: Hindi no. That's not what I meant.

YANNI: So ano?

GINO: Blessing in disguise siya kasi kahit papaano, napagsilbihan kita at naalagaan.

YANNI: Tss! (closes her eyes and massages her temple)

GINO: Gusto mo ako ng magmasahe sayo? (ilipat ito ng upo sa tabi ng asawa)

YANNI: No, thanks.

GINO: Okay, kumain na tayo kung ganun para after pwede ka ng mag-take ng gamot.

YANNI: Anong oras na ba?

GINO: Almost 10 na.

YANNI: Ten na, tas di ka pa kumakain?

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon