This is Yours
Dumaan ang gabi at araw na nakatanaw lamang si Felix sa bintana, ang suot nito noong bumisita sina Alvin ay hanggang ngayon ay ito pa rin ang suot nya, wala siyang ayos, nangingitim ang ilalim ng kanyang mata at hindi iniibo ang pagkain na nakalapag sa side table. Mayamaya lamang ay biglang kuminang ang mga mata ni Felix. Mula sa kabilang bintana, ang dilaw na kurtina na nakababa, sa kabila ng tela na humaharang para matanaw ang loob nito, ay tila mas tumingkad ang pagkadilaw ng kurtina sinyas na bukas ang ilaw sa loob.
Dali-daling bumangon si Felix at lumabas ng kanyang kuwarto nang nakayapak. "Felix saan ka pupunta?" puna ni manang Flora, pero dumiretso lamang si Felix sa pagtakbo, maayos na ang kanyang pagtakbo hindi katulad kahapon na paika-ika. Mabilis siyang tumakbo hanggang sa nasa harapan na siya ng gate nina Samantha agad nyang pinindot ang door bell.
Ilang saglit lang ay nakarinig siya ng tinig mula sa isang babae. "Andyan na!" tila nagkaroon nang buhay ang kanyang malantang mukha, mahahalata sa kanyang mukha ang kanyang pananabik, pagkabukas ng pinto ay isang hindi pamilyar na mukha ng babae na nasa mga 30 ang edad ang bumati sa kanya. "Oh hi! Anong kailangan nila?"
"Andyan po ba si Sam?" tanong ni Felix.
"Sam? Sorry pero nagkamali ka yata ng bahay, walang Sam dito."
"Hindi po, dito po siya nakatira si Samantha Quinn po," pagpipilit ni Felix.
Tila naliwanagan naman ang babae, "ahh... Quinn, sila 'yung dating nakatira dito, 'nak kami na ngayon ang nagmamayari ng bahay."
Nang marinig ito ni Felix ay bumaba ang kanyang balikat, nawala ang pananabik na kanyang naramdaman. "Sorry po---"
"Kuya Felix!" naputol ang pagsasalita ni Felix dahil may bigla na lang na sumigaw, maliit ang tasa ng boses nito, napalingon si Felix dito, isa itong batang babae na may hawak na notebook. Siya 'yong bata na nakilala ni Felix sa may amusement park, na muntikan na nyang mabangga ang kaibigan nito.
"Maymay?" sinalo naman ng yakap ni Felix si Maymay at binuhat.
"Kilala mo ang anak ko?" takang tanong ng babaeng kaharap ni Felix.
"Ah, opo sa may amusement park," maikling sagot ni Felix, lumingon naman si Felix sa bata. "Asa'n si PJ?"
Napasimangot naman ang bata kay Felix. "Nasa kanila, doon sa malayo, hindi na kami magkikita kasi lumipat na kami."
"It's sad, isn't it?"
Mabilis na tumango ang bata kay Felix. "Pero masaya na 'ko kasi ang laki ng bahay namin," pagmamalaki ni Maymay sabay turo sa dating bahay nina Samantha.
Felix smiled lightly, "you really remind me of someone, parehas kayong makulit at parehas din kayong may bago ng tinitirhan."
Kinuha na ng ina si Maymay mula kay Felix. "Say bye bye na kay kuya Felix," pero sa halip na mag-goodbye ay nilahad ni Maymay kay Felix ang hawak-hawak nitong notebook.
Tiningnan ito ni Felix "Sa 'kin na lang?"
Umiling ang bata. "Iyo naman 'to eh, bakit mo tinapon sa basurahan?"
"Ha?" nagtaka naman si Felix sa sinabi ng bata, hindi na nagtanong pa si Felix kay Maymay dahil bumaba na ito sa pagkakabuhat ng kanyang ina at nagtatatakbo sa loob ng bahay.
.....
Pagkarating naman ni Felix sa kanilang bahay ay nakabagsak ang balikat nito at mabagal ang kanyang paglakad, pagkakita sa kanya ni manang Flora siya ay pinagalitan nito. "Saan ka ba galing at nagmamadali ka! hindi ka pa nagtsinelas!"
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...