Collision
Dahil sa 12 na ng tanghali, ang kaninang library na puno ng tao ay unti-unti ng uma-alis. "Bye Sam, bye Felix," sabi ng babae na nakahulog ng libro kanina.
"Bye sweety," Samantha said and Felix said nothing. At umalis na ang babae na kinikilig hanggang sa silang dalawa na lamang ni Felix at Sam ang natira sa silid.
"Tomboy, may bagong bukas na Amusement park dito sa Vallea City, tara sa saturday."
Samantha frowned. "Grounded ako ng one week hindi ako puwedeng lumabas."
Felix smirked. "Walang grounded-grounded sa isang Samantha Quinn."
Napangisi rin si Samantha rito. "Tumpak! Sige sa saturday. Mga anong oras?"
"8:00 pm."
"Sige, pa'no uuwi na 'ko hindi na kita matutulungan dito kasi pagkaka-abalahan ko pa si Mr. Genius."
"Mr. Genius?" Felix asked.
"Si Alvin."
"Ahhh." Naliwanagan naman si Felix. Sabagay mukhang Genius nga naman siya.
"Sige una na 'ko." Samantha paused and turned her gaze towards Felix. "Wala man lang ingat ka?"
Felix laughed lightly. "Ingat si Alvin sa 'yo."
And that is the end of their conversation. Pagka-alis ni Samantha ay siya namang pagpasok ng isang babae na may kulot na buhok at hanggang balikat ang haba nito, singkit ang kanyang mga mata at maputi ang kutis nito.
Nang siya ay pumasok nakita nya ang lalaki na pinag-uusapan sa buong campus. Ngayon na nakita na nya ito ng harap-harapan at malapitan.
Tama nga sila, na kahanga-hanga ang angkin nitong itsura.
Felix sensed that someone was looking at him, he caught her staring at him. The girl blushed. "Ahmm, ikaw ba ang nagbabantay rito?"
"Hhm." Felix replied.
"Ahh... ito 'yung hiniram kong libro kahapon."
Kinuha ni Felix ang libro at tumalikod sa babae, nang ilalagay na nya ito sa bookshelf, napatigil siya dahil mayro'n siyang napansin na papel na nakadikit sa unahan ng libro.
'Hi, I'm Sarah'
Kinuha niya ito sa pagkakadikit sa libro at itinapon sa basurahan. Hindi ito napansin ni Sarah dahil malayo ito sa kanya pero naghihintay pa rin siya sa pagbalik at reaksyon ni Felix.
Pagbalik ni Felix napansin nya na nandon pa rin ang babae. "You need something?" He asked coldly.
"W-wa-wala, thank you," she said anxiously and left.
.......
Samantala si Samantha naman ay nagmamadaling maglakad pababa ng building ng nakababa na siya agad nyang iginala ang kanyang mga mata para makita si Alvin.
Asan na ba 'yon, nandito lang 'yon kanina ah.
Tumakbo siya papuntang gate at doon nakita nya si Alvin na nasa kabilang kalsada at agad siyang tumakbo sa pedestrian para maabutan ito.
'BIFF! BIFF!" a car horned. Napatigil naman si Samantha sa pagtakbo at tumingin sa ingay.
May itim na sasakyan na papalapit sa kanya! Sobrang lakas ng kabog ng puso ni Samantha.
Mamamatay na ba ako?
Palapit ng palapit ang itim na sasakyan! Pinikit ni Samantha ang kanyang mga mata sa takot.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...