Girlfriend?
"Sigurado ba kayo rito?" Alvin asked.
"Oo naman, parang magtitinda lang, sisiw lang sa 'min 'to," Samantha said.
"May experience na ba kayo sa ganito?"
"Wala, kaya ka nga 'di ba nandiyan ka para tulungan kami?"
"Mr. Genius buksan mo na lang ang pinto" Felix said.
Kinuha naman ni Alvin ang susi mula sa kanyang pocket at binuksan ito. "Teyka nga," pigil nya sa dalawa sa pagpasok. "Bakit palagi n'yo kong tinatawag na Mr. Genius?"
"Kasi gusto namin," maikling sagot ni Felix at pumasok na sa loob.
"Yan na ang nickname mo," wika naman ni Samantha at pumasok na rin sa loob.
Pagkapasok nilang dalawa ay medyo naibahan ang dalawa dahil sa space sa loob, hindi naman ito sobrang sikip pero hindi rin naman ito malawak pero kapagpumasok pa si Alvin ay hindi na sila makakagalaw ng maayos sa loob.
"Dito na lang ako sa labas, magtanong na lang kayo sa 'kin ng mga presyo," Alvin said.
"Wala ba kayong upuan?" Samantha asked.
"Wala, kapag nilagyan pa namin ng upuan sa loob mas lalo lang sisikip diyan kaya magtiis na lang kayo kakatayo," sagot nya sabay pasok sa loob ng bahay.
Napakunot naman ang noo ni Samantha nang makita na paalis si Alvin."Hoy! Iiwan mo kami rito? Hindi namin alam ang mga presyo rito."
"May kukunin lang ako," wika ni Alvin habang nakatalikod siya sa direksyon ng dalawa.
Naiwan naman ang dalawa sa tindahan. Dahil sa wala pa namang bumibili nilabas na muna ni Felix ang kanyang phone para maglaro.
Kinuha naman ni Samantha ang pagkakataon na ito para titigan si Felix. Habang tinititigan nya si Felix ay bumalik naman sa kanyang memorya ang nangyari kahapon.
"I won."
Kung paano nya 'yon sinabi at ang puwesto nila noon.
"I won," wika ni Felix habang nakalapit ang kanyang bibig sa tainga ni Samantha.
"Yeah, you won," sagot ni Samantha at inikot nya ang kanyang sarili upang humarap kay Felix habang nakaupo sa hita nito.
"Gusto mo ba ng reward?" Samantha asked seductively.
"Depende kung ano ang reward," the way he said it, it sounded so sexy.
"How about a kiss? Do you like it?"
Felix smiled.
Unti-unti inilapit ni Samantha ang kanyang mukha papalapit kay Felix.
Sa sobrang lapit nila ay na-aamoy na ni Samantha ang pabango ni Felix.
Smells good.
Sa sobrang lapit na ng kanilang mukha ay hindi na nila kayang tingnan ang isat-isa. Sabay nilang ipinikit ang kanilang mga mata.
Ano kaya ang pakiramdam na mahalkan ang isang Paxton?
Well malalaman ko lang 'yon kung titikman ko.
Inilagay ni Samantha ang kanyang mga kamay sa leeg ni Felix. Humigpit naman ang pagkakayap ni Felix sa baywang ni Samantha.
Hinigit ni Samantha si Felix papalapit sa kanya, konting-konti na lamang ay maglalapat na ang kanilang mga labi.
Konting-konti na lamang.
.
.
.
.
."SAM!" Isang nakakarinding sigaw.
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...