Fighting!
Habang nanonood ng television ang ina ni Samantha sa living room ay biglang bumukas ang pinto at lumantad sa kanya ang kanyang anak na may bitbit na itim na maleta.
"Ano 'yan?" tanong nito kay Samantha.
"Maleta, ma."
Agad na nawala ang ngiti ng ina dahil sa pilosopong sagot nito. "Alam kong maleta 'yan."
"Sinagot ko lang naman ang tanong n'yo ma."
"Saan galing 'yan?" pag-iiba nito ng tanong.
"Diyan lang sa malapit."
Napairap na lang sa kawalan si Mrs. Karen at pinagpatuloy na lamang ang panonood ng tv, hinayaan na nya ang anak na pumunta sa second floor, hindi na ito nagtanong pa, kasi baka mahagis nya lang ang kanyang tsinelas sa anak kapag narinig nito ang sagot nito. "May pinagmanahan talaga," napailing na lamang ito.
Nakarating na si Samantha sa harap ng pinto ng guest room.
knock! knock!
"Pasok," sigaw ni Felix mula sa loob.
Pumasok na nga si Samantha at ipinakita sa kanya ang maleta. "Ito na."
Nang makita ito ni Felix ay agad na nanlaki ang kanyang mata. "Huwag mong sabihing...."
"Oo, andito na ang mga damit mo," ngiting-ngiti pa ito nang sinabi nya ito, para bang proad na proad siya sa kanyang ginawa.
"Tomboy naman! Kinuha mo 'yan sa'min?! Eh di alam na nila na nandito ako!" Hindi na nya talaga alam kung anong gaagawin sa kanyang kaibigan.
"Ok lang 'yan, para hindi na 'ko gagastos."
"Ang kuripot mo talaga kahit kailan," napailing na lamang si Felix.
"Saka para hindi na mag-alala sa'yo ang daddy mo. Alam mo ba na delikado na sa matatanda ang ma-stress."
Napakunot ang noo ni Felix sa sinabi nito, dahil ang kanyang ama ay mga nasa 45 anyos pa lamang, hindi pa naman ito gano'ng katanda at satingin nya ay healthy pa ito.
"Saka alam mo naman 'yang daddy mo, ayos lang sa kanya na mag-stay ka rito, kahit gaano pa katagal."
Gusto mo kahit habang buhay pa eh hahaha para na tayong mag-asawa no'n.
Hindi na pinansin ni Felix si Samantha at kinuha na lang ang maleta mula rito, since hindi na nya mababalik ang nangyari, hinayaan na lang nya ito at mas maayos na ito, hindi siya magkakaroon ng utang kay Samantha. Sinimulan na nyang buksan ang maleta at inayos ang kanyang mga damit sa closet.
"Kailangan mo ng tulong?" Samantha asked.
"Hindi na," baka ano pang kalokohan ang gawin mo, kapag tumulong ka.
"Ok, pagkatapos mo diyan tara sa room ko," gagawa tayo ng kababalaghan charot. "Maglaro tayo ng xbox"
"Hhmm," pagsasangayon nito.
Mayamaya rin ay natapos na si Felix sa pagliligpit at pumunta na siya sa room ni Samantha at naglaro na nga sila ng xbox.
Ratatatata
KO
Nayayamot na hinagis ni Felix ang controller sa higaan.
"Hahaha, sa basketball ka lang magaling pero pagdating dito mas magaling pa ako sa'yo."
"Ang yabang ah, sige nga laruin natin ito in real life, tingnan natin kung sinong mananalo."
"Asa namang magkakaganan dito, aminin mo na kasi mas magiling ako sa'yo."
![](https://img.wattpad.com/cover/147152390-288-k944883.jpg)
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomanceSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...