chapter 11

105 5 0
                                    

Visitors

"Oh ang bilis mo 'atang umuwi?" Wika ni Ms. Karen.

"Inaantok po kasi ako, iiglip lang po ako," pag-akyat nya sa kanyang silid pabagsak niyang hiniga ang kaniyang sarili sa kama. Habang nakahiga ay nakatulala lamang siya sa ceiling.

Madaming gumugulo sa kanyang isipan, 'yung nangyari kanina, anong ibigsabihin no'n?

Tumayo siya at lumapit sa study table. Pagkaupo nya ay may kinuha naman siya sa kanyang drawer na isang notebook.

Kanya itong binuksan at ginuhit ang lalaki na nakaupo sa duyan at may nakaupo naman sa kanyang isang babae. Pagkatapos nya itong iguhit ay may sinulatan naman siya sa likod nito.

'Sabi mo kapatid lang ako para sa 'yo pero bakit nararamdaman ko na gusto mo rin ako. Ano ba ang papaniwalaan ko?'

-Monday-

"Recess na," Samantha said. Unti-unting naglalabasan ang kanilang mga kaklase hanggang silang tatlo na lamang ang natira.

Gaya ng dati, hinila ni Samantha ang upuan ni Alvin papalapit sa kanila. "Ang bigat mo!" Pagrereklamo ni Samantha kay Alvin.

Inilabas na ni Samantha ang plastic bottle at ipinaikot ito. "Huwag ako" She murmured.

"Huwag ako"

"Huwag ako"

Pagkatigil ng bote, napatingin naman si Samantha sa tinapatan nito.

Binalot ng katahimikan ang room.

"Ehem, so Alvin. Sa 'yo tumapat," nag-aalangan na sabi ni Samantha. Hindi pa rin sigurado ang dalawa kung buo na ba ang loob ni Alvin na tanggapin ang grupo.

Nanatiling tahimik ang tatlo.

Hanggang sa,

"Hindi n'yo pa ba sasabihin kung anong ipapabili n'yo?" Alvin said

Agad na nanlaki ang mga mata ni Samantha sa kanyang narinig.

Tama ba ang narinig ko?

"Ang ibig mong sabihin.." Samantha

"Oo, pumapayag na akong mapasama sa grupo n'yo," Alvin paused for a second and said, "may isang tanong lang ako. Ba-bakit ako? Bakit sa lahat ng tao ako pa?"

SILENCE

Felix looks at Alvin. "Kailangan ba ng dahilan para maging kaibigan ka?" Felix asked.

"Gusto ko lang malaman kung bakit, pa'no kung sa bandang huli malalaman ko na lang na niloloko n'yo lang pala ako."

"Hinding-hindi ka namin lolokohin, sincere kami sa pakikipagkaibigan sa 'yo," Samantha said. "Pinili ka namin dahil may nakita kaming magandang katangian sa 'yo. Sa lahat ng tao rito ikaw lang ang hindi natakot sa amin. Tanda mo ba no'ng first day?" Samantha asked

Agad namang pumasok sa isipan ni Alvin ang una nilang pagkikita.

"Ikaw lang ang naglakas loob na labanan kami. 'Yun ang gusto kong maging kaibigan, hindi basta-basta nagpapatalo sa iba kahit na sikat sila o kahit na mas marami ang pumapabor sa kanila, hanggang sa huli tumayo ka pa rin para sabihin ang totoo."

SILENCE

Yumuko si Alvin at palihim na ngumiti.

"Sapat na bang dahilan 'yon para sayo?" Samantha asked.

He silently raised his eyes and their eyes met instantly. "Thank you, thank you for choosing me," he said in a low tone.

Sa tanan ng buhay nya ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan. Noon, lahat ng tao ayaw sa kaniya, nandidiri sa kaniya.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon