"Cheers!" at sabay-sabay naming ininom ang alak. Arg! Ang sama talaga ng lasa.
Magkakasama kami ngayong lima sa bahay nina Genius, nagc-celebrate kami ngayon dahil kakatapos lang ng finals nila, sa Batangas pa rin ako nakatira at pumapasok, sila naman hindi na sila magkaklase ngayong 3rd year, sa next year hindi ko lang alam malay mo maging magkaklase ulit sila. Kahit na iba-iba na kami ng tinatahak, kahit na may bago na kaming nakikilala, kaklase at kaibigan, hindi pa rin ito maiihalintulad sa aming pinagsamahan. Ang pakikipagkaibigan para ring pumapasok sa isang relasyon, minsan may tampuhan, away, pero sa bandang huli nagkakaayos din.
"Isang taon na lang g-graduate na tayo!" wika ni Alvin na gumegewang na, kahit lumipas na ang dalawang taon nerd pa rin siya pero hindi na siya kagaya ng dati na tahimik at mga libro lang ang buhay, ngayon sobrang daldal na nya! Nahawa yata sa 'kin. At ang isa pang nakakagimbal na balita, ang akala ko na sa aming magbabarkada siya ang hindi magkakajowa pero huwag n'yong maliitin si totoy nauna pa siyang magkajowa kay heaven at Jacob, and man! Jackpot! Ang ganda nya.
"Genius, pasabi naman sa girlfriend mo, baka naman may maireto siya sa 'kin," wika naman ni Jacob na nakaakbay kay Alvin, gano'n pa rin siya charming at palangiti pero gaya ni Alvin nagsa-salamin na rin siya, hindi naman siya nerd, malabo lang talaga. Pero ang nakakaloka ay mas yumayaman si boy! Mas nagiging successful siya sa world of business, nakakagulat no, kahit mag-isa siya sa buhay, kahit na wala na sa tabi nya ang kanyang magulang, mapalad pa rin siya.
"Sarah, may ire-reto ako sa 'yo," wika ko kay Sarah na nakatingin sa kanyang phone.
"Nuh, study first, speaking of," Sarah glared at Alvin. "May pasabi-sabi ka pang i-enjoy ang kabataan at mahalin ang sarili, ikaw pala 'tong isa ring atat na mag-lovelife." Kung nagbago kaming lahat si Sarah talaga ang may malaking pagbabago, hindi na siya mahinhin ngayon napaka bulgar at pranka na nya, hayss I miss her old self.
"Hehe, kasalanan ni tadhana," bigla namang tumingin si Alvin sa aming dalawa ni JF. " 'di ba two years na kayo, How does it feel?"
Jacob laughed. "Nanghihingi si Genius ng advice, ngayong siya naman ang sasabak sa isang relasyon."
"Curious lang ako!"
Tumingin sa 'kin si JF at hinawakan ang aking kamay na nasa ilalim ng lamesa, napangiti naman ako dito, kinikilig ako eh. "It feels like riding a rollercoaster," Felix said.
Nagtaka naman si Genius. "Ha? Ibig mong sabihin ay nakakatakot?"
Felix laughed lightly at pinagpatuloy ang kanyang sinasabi. "Because in the rollercoaster at the start we will feel the joy and excitement, just like having a first date with your partner that I prepared myself and make sure that I look stunning, however when the ride starts to move, we are now having the feeling of nervousness but the joy is still there, and just like the rollercoaster there's ups and downs, sometimes we are happy, sometimes we fought, then reconciled, troubles again and reconciled, like a cycle. Relationships are not all about happiness, it's about love, faith and trust.
Tama siya pero nakakaiyak lang dahil kung noon halos mandiri siya sa mga babae ngayon sobrang gentleman nya! Hindi ko maiwasang magselos, at minsan naman ay mainitin ang ulo nya, ang hirap nyang spelling-in minsan.
Lalong-lalo na, sa two years naming magkasama hanggang ngayon hindi pa rin kami nagk-kiss, nakatatlong attempt na 'ko pero lahat 'yon ay FAILED! No'ng una sa sinehan, buong oras lang naman siyang nakatutok sa pinapanood namin. Pangalawa, 'yong tri-ny ko 'yong napapanood ko sa mga variety show sa korea 'yong sabay naming kakain ang stik-o hanggang sa maglapat ang labi namin pero kinabahan ako, aksidente ko tuloy naputol ang stik-o. Pangatlo ay no'ng natutulog siya, sinampal ba naman ako akala yata langaw, hayss yae na madami pa namang chance, Samantha Quinn, fighting!
"Tomboy!" namalayan ko na lang na buhat-buhat na pala ako ni JF sa likod nya, lasing na yata ako, hindi ko napansin.
"Hhm?" Wait? Ano ulit ang sabi nya? Biglang nabuhay ang diwa ko. " 'di ba sabi ko naman sa 'yo JF hindi ako tomboy!" at piningot ko ang tainga nya.
"Ah! Ah! Oo, oo na hindi ka na tomboy!" inalis ko na ang pagkakahawak sa tainga nya at muling yumakap sa leeg nya. "Dahil isa kang queen, Samantha Quinn," lihim akong napangiti rito.
Sabi nila tomboy daw ako dahil sa pananamit ko minsan nang panglalaki, sa paggalaw at pagsasalita ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy dahil ngayon hindi na ako nahihiya sa mga bagay at gawain na cute o girly, nagagawa ko nang ipakita ang tunay na ako.
At saka kung tomboy ako sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko simula pa no'ng bata ako.
.....
Isang sketch ng isang lalaki at isang babae na lihim na magkahawak ang mga kamay sa ilalim ng table.
I love you
THE END
______________________________________
Maraming maraming maraming maraming salamat po sa lahat nang sumubaybay hanggang dulo sa kuwento ni tomboy at JF, sana po ay suportahan n'yo pa rin po ang manunulat ng kuwentong ito na walang iba kundi si AnnaMarieVerzosa, sana po ay suportahan n'yo pa rin ako sa sunod at sa mga susunod ko pang isusulat na mga storya, ito po ang ilan sa aking mga isinulat sana ay magustohan ninyo ☺️
I hate that I love you
He gave chocolate "I like you"
"Thank you" she replied
He gave flowers "I love you"
"Thank you" she replied
He gave dead rat "I hate you!"
No replyA girl who is completely uninterested and a boy who is completely fascinated by her, he do everything it takes to get her attention but she seems don't get it.
What would happen to them?
BINABASA MO ANG
SHE IS NOT A TOMBOY
RomantikSabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong puso ko sa isang babae tumitibok pero hindi eh, tumitibok lang ito sa isang lalaki na hinahangaan ko...