chapter 7

131 4 0
                                    

Friendship

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na nga tinigilan ng dalawa si Alvin.

"Alvin, wala kang papel? Mayro'n ako" pangungulit ni Samantha kay Alvin.

"Alvin gusto mo?"

"Alvin, candy?"

"Alvin, sama kami."

"Alvin."

"Alvin."

"Alvin."

"Alvin saan ka pupunta?"

Hanggang napuno na si Alvin sa pangungulit ni Samantha "SA CR! SAMA KA?"

Sigaw nya rito, napatingin naman ang buong klase sa kanilang direksyon.

SILENCE

.

.

.

"Sige," Samantha said with a smile.

Napanganga naman si Alvin sa sinabi nito, samantala ang iba naman ay palihim na tumatawa sa kanilang upuan.

"Argg!" Napaupo na lamang muli si Alvin dahil nawalan na siya ng ganang pumunta sa cr at sinubsob ang kanyang mukha sa binabasa nyang libro.

Kukulitin pa sana niya ulit ito ng may humarang na babaeng sa kanila.

"Hmmm Sam..." the girl said timidly

"Yes?"

Inabot ng babae kay Samantha ang hawak nyang box, "cookies."

"Oww.. thanks," she said and smile at her

The girl blushed at masayang bumalik sa kanyang upuan. Nang nakita ng kanilang ibang kaklase ang scene na ito agad na nagselos ang iba sa babae na nakatanggap ng ngiti ni Samantha.

Pagkatanggap ni Samantha nito, inipod nya ang kanyang upuan papalapit kay Alvin "Alvin, gusto mo ng cookies?"

Nang narinig ito ng babae na nagbigay sa kaniya agad siya nadismaya, ang iba naman ay napangisi.

Pero gaya ng kahapon ay hinila ulit siya ni Felix pabalik at walang nagawa si Samantha kundi sumimangot nalang kay Felix. "Sabi ko stay diba?" Wika ni Felix.

Inirapan na lang ito ni Samantha at hinila nya ang upuan ni Alvin papalapit sa kanila. Nagulat si Alvin ng naramdaman nya na umiibo ang kanyang upuan. "Anong ginagawa mo?" Alvin asked

"Share tayong tatlo rito," sabay lapag ng box sa table.

Nang marinig ito ng babae ay nawala ang kaniyang pagkadismaya.

"No thanks" ibabalik na sana ni Alvin ang kanyang upuan ngunit nahihirapan siyang hilahin ito. Tiningnan nya ang ilalim sa pagtataka. May paa palang nakapulupot sa upuan, pinagmasdan nya ito mapayat at mas maliit sa kanya ang paa halatang pang babae.

Kanino pa ba eh di kay Sam! Sa isip-isipan ni Alvin. Alvin sighed, wala na siyang nagawa kundi manatili.

Kinain na ng dalawa ang cookies ng napansin ni Samantha na hindi kumakain si Alvin. Sinubuan nya ito habang humihikab ito. Napaubo naman si Alvin sa ginawa nya.

'Camera shutter sound' Hindi nila namalayan na may kumukuha sa kanila ng litrato.

.....

"Hayyy sa wakas recess na," Samantha said.

Agad siyang bumaling kay Alvin na nagmamadaling umalis. "Tara" wika niya kay Felix at lumabas na siya para sundan si Alvin, sumunod naman si Felix sa kanila. Nang naabutan ni Samantha si Alvin, inakbayan nya ito. "Hey Mr. Genius, sabay ka na saming mag-recess?" Bago pa makapagsalita si Alvin ay hinila na siya ni Samantha not giving him time to escape.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon