II chapter 48

57 5 0
                                    

What is Love?

-At Tomj-

"Ang dami namang pagkain Sam, hinanda mo 'to?" Sarah asked.

Samantha gave a nod. "Para sana 'to sa'tin para mag-celebrate para sa paghihirap natin sa intrams at para na rin do'n sa ginawa nating busking."

Sumangayon naman si Sarah, "ito ang tunay na rewards."

"Ahh, pero nabalitaan ko u-m-attend din ang parent ni Felix."

"Eh di isama natin sila sa celebration."

Samantha shook her head. "Kailangan nila ng family time," para magka-ayos na sila, sa isip-isipan nito. "Ayos lang ba sa'yo na sahalip na mag-celebrate eh para sa family na lang 'to ni JF?"

"You really like him that much?" Sarah asked, smiling.

"h-huh?" Samantha froze.

"Ang totoo niyan, Sam no'ng inaayos pa natin 'tong Tomj noon, aksidente kong nabagsak ang iyong bag." Nang sabihin ito ni Sarah ay naalala naman ito ni Samantha. Nagpatuloy naman si Sarah sa pagsasalita. "At nakita ko ang cardboard mo pati na ang nakasulat dito."

Agad na nanlaki ang mata ni Samantha.

No'ng time na 'yon ay ang araw na nag-decide ako na mag-confess kay JF, ibig sabihin?

Sarah gave Samantha a serious stare, hindi mawari ni Samantha pero parang ibang-iba ang babaeng kaharap nya ngayon, nawala na ang maamong mata na lagi nyang nakikita dito. "Sam, the truth is that I like Felix...."

Napakurap si Samantha at hindi nagawang makasagot.

"...and he also likes me."

Dito ay nagawa nang bumukas ng mga bibig ni Samantha. "Hindi... hindi 'yan totoo, he despises females."

Sarah smirked, "but thanks to you, we've grown closer." Mas lumapit si Sarah kay Samantha, "hindi mo ba napapansin? Hindi lang ikaw ngayon ang babae sa buhay nya, pati na rin ako. Magco-confess ka dapat no'ng araw na 'yon 'di ba? Pero hindi siya dumating, dahil kasama ko siya, inabot pa nga kami ng gabi eh."

Samantha clenched her fist tightly. "Hindi 'yan totoo!"

"Hindi totoo?" Sarah laughed, as if she had heard a good joke. "Sino ka ba sa kanya? Kaibigan lang, BEST FRIEND," pinagkadiinan nya pa ang huli nyang sinabi at sinigurado na maririnig ito ni Samantha.

Nang marinig ito ni Samantha ay napaiwas siya ng tingin kay Sarah at umurong palayo dito.

Mas lumaki ang pagkakangiti ni Sarah, I think I hit a sensitive spot, best friend, mukhang nasaktan ka sa word na 'to, good. "Kung gusto mong malaman ang totoo, hayaan mong maging ako si S."

-PRESENT-

"Sarah."

"Hi, Felix."

"Ikaw si S?"

Sarah gave Felix a friendly smile. "Oo, ako nga." Hindi kagaya nang ipinakita niya kay Sam ay bumalik na ang pagkamahinhin nito.

Mula naman sa isang lumang building kung saan ay katapat ito sa Tomj, dito ay nakatanaw si Samantha sa isang bintana, dahil sa luma na ang building na ito ay wala nang gumagamit nito. Sa room kung nasaan si Samantha ay nagagawa nyang makita at marinig ang dalawa.

Felix returned Sarah's smile.

Nang makita ito ni Samantha ay mas lalong nawawalan nang sigla ang mukha ni nya.

He smiled, dati-rati ako lang ang nakakatanggap niyan, dati ang pagkakatanda ko, ngisi lang, tango o wala siyang imik kay Sarah pero ngayon ang laki ng ngiti nya.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon