chapter 8

116 4 0
                                    

First Quarrel

-Friday At library-

Pagkatapos ng nangyari doon sa Tomj ay naging mailap ulit si Alvin sa kanila na para bang walang nangyari. Tahimik na nakaupo sina Samantha at Felix dahil sa natapos na nila ang pag-aasikaso sa mga libro.

"Ganito ba kahirap ang magkaroon ng kaibagan?" Samantha asked.

"Humanap ka na lang ng iba huwag na 'yung lalaking 'yon, napaka pabebe masyado," Felix said.

"No! I want him, we need him in our team. I like his personality. Matapang, matalino at hindi natin siya basta-bastang makuha, ibig sabihin no'n may determinasyon siya sa sarili nya, na kung tayo inobserbahan natin siya, gano'n din siya sa atin. Kinikilala nya muna ang isang tao bago nya pagkatiwalaan. Ganito 'yung gusto ko, mahirap makuha pero kapagnakuha mo na alam mong worth it," Samantha said firmly.

"Bakit mo pa kasi naisipan na bumuo ng grupo," sabi ni Felix na naiirita.

"I explained it already to you," she answered.

Umiwas na lang ng tingin si Felix kay Sam dahil sa pag-iwas nyang ito ay tumama ang kanyang paningin sa may pintuan ng library. "Speaking of," Felix whispered.

Napatingin din si Samantha sa tinutukoy ni Felix at bumati sa kanya ang gulat na gulat na lalaki.

Alvin's body stiffened when he saw the people inside. "Sorry mali yata ako ng pinasukan" at agad siyang tumalikod sa kanila.

"Oppss!" Mabilis na tumayo ang dalawa at hinarangan si Alvin sa paglabas.

"Bakit, saan ka ba dapat pupunta?" Samatha asked at kinuha mula sa kanya ang hawak nitong libro.

At si Felix naman ay kinuha ang bag ni Alvin. "Hey!" Naalarma naman si Alvin sa pinaggagawa ng dalawa.

"Chill Mr. Genius, upo ka muna," Samantha said. Ayaw naman nitong umalis mula sa kanyang kinatatayuan pero puwersa siyang pinaupo ni Felix sa puwesto na inupuan nila kanina.

"So, anong ginagawa rito ni Mr. Genius? Ay, nakalimutan ko ito nga pala ang favorite place ng mga genius na katulad mo. Mianhea"

"Miane?" Alvin asked with confusion.

"Mianhea means sorry in korea," she responded. Sabay angat ng libro ni Alvin na puro sundalo ang nasa cover ng libro at may isa sa sunadalo na nangunguna ay may telang nakatali sa kanyang ulo at may hawak na american flag. "The red badge of courage," pagbasa ni Samantha sa title ng libro. "Maganda ba 'to?"

"Don't touch my book!" Alvin yelled. "Mahalaga 'yan sa 'kin kaya kapag nagasgasan mo 'yan ng kahit konti hinding-hindi kita mapapatawad!"

Napatawa naman si Samantha sa sinabi nito. "Sorry, hindi ko alam na napaka halagang bertud pala ito na hindi puweding hawakan," she said jokingly at kanyang inilagay ito sa loob ng bag ni Alvin.

"Hindi naman talaga rito ang punta ko nagkamali lang ako ng pinasukan, kaya puwede ba! Aalis na 'ko." Dahil nakabantay pa rin sa kanya si Felix kaya hindi nya magawang makaalis.

"Saan ka pupunta?" Samantha asked.

"It's none of your business."

"O, sige. Pero gusto namin na bukas ng gabi, 8pm na pumunta ka sa bagong kakatayo na amusement park dito sa atin."

"Bakit naman?"

"Magba-bonding tayo, para naman maranasan mo kung ga'no kasaya sa labas "

"I can't, I'm busy," then Alvin reached for his bag.

SHE IS NOT A TOMBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon